Roxanne Barcelo buntis na sa unang baby: Mga Badidap, I’m preggo!

BUNTIS na ang aktres na si Roxanne Barcelo sa panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz husband hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapangalanan.

Ayon kay Roxanne, hindi nila inaasahan na darating agad ang maituturing niyang biggest blessing sa buhay niya makalipas lang ang ilang buwan matapos silang ikasal ng kanyang asawa.

Ibinandera ng aktres sa latest vlog niya sa YouTube ang good news kasama ang kapatid na si Timmy Barcelo. Sa unang bahagi ng video, ipinakita ang pagbe-bake nila ng brioche bun.

“While those buns are in the oven, there’s another bun in the oven. My bun is in the oven. Mga Badidap (tawag ni Roxanne sa kanyang fans at YT subscribers), I wanted to share with you all that I’m preggo,” simulang pahayag ng aktres.

Hindi raw nila in-expect ng asawa na agad silang bibiyayaan ng baby dahil sabi ng kanilang doktor baka raw matagalan pa bago siya mabuntis ang aktres kaya hashtag #shookt ang beauty niya.

“So ang iniisip namin ng husband ko that it would take us a year kasi yun yung sabi ng OB-Gyne. Yun, so it didn’t take that long.

“When he said I want to start a family with you, I thought it was the most beautiful plan to have in my life,” kuwento pa ni Roxanne.

“I really want to thank all the Badidaps out there who have been praying for me and who have really been there for me. You know who you are and I appreciate all the blessings that you have been wishing for me.

“Every time I read your comments and well-wishes parang napupuno yung heart ko ng pagmamahal and ng tiwala and ng faith.

“Even though I’ve been a little bit quiet for the past few months, know that you’re always in my mind and always in my heart,” patuloy pang pahayag ng excited pregnant wife.

Dagdag pa niyang chika, “And I only wish to communicate with you as much as I can and to share with you as much as I can and hopefully, you will pray with me that our baby, me and my husband’s baby, will be happy, healthy, and normal. And we are very excited to have this baby.”

Samantala, ibinahagi rin ni Roxanne sa madlang pipol ang significance ng panda sa love story nila ng kanyang hubby at kung paano ito naging mahalagang sign sa kanilang relasyon.

In fairness, may pangitain na pala ang aktres noon pa tungkol sa magiging future niya with her husband na may konek sa mga panda.

Read more...