Walk-in closet ni Vice talbog ang department store; hinamon ng mayamang beki

NAPA-WOW at napanganga ang mga madlang pipol nang makita ang bonggang-bonggang walk-in closet ni Vice Ganda sa bago niyang bahay na mala-hotel sa laki at ganda.

Ipinasilip ito ng TV host-comedian sa part 2 ng ginawa niyang pa-house tour sa kanyang YouTube channel kung saan makikita ang koleksyon niya ng mga sapatos, branded bags at sandamakmak na damit.

Nanlaki ang mga mata ng mga netizens na nakapanood sa vlog ng Phenomenal Box-Office Star dahil nga sa mala-department store na walk-in closet nito.

Nakasama ni Vice sa kanyang “balur tour” ang kaibigang stand-up comedian na si Negi na tuwang-tuwa nang regaluhan ni Vice ng branded bag na kanyang nagustuhan.

Habang nililibot ang napakalawak na kwarto, binibiro pa ng TV host si Negi na bilang niya ang lahat ng gamit niya sa walk-in closet kaya pigilan nito ang kanyang “malilikot” na kamay.

In fairness, totoo namang pwede nang magtayo ng department store si Vice sa dami ng kanyang koleksyon. Kaya nga halos iisa ang komento ng mga netizens na na-impress sa walk-in closet ng komedyante — #SanaAll!

Samantala, naikuwento rin ni Vice na may isang taong naging inspirasyon niya para makamit ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay, kabilang na ang pagpapatayo ng dream house niya.

“Meron isang sikat na bakla na mayaman siya tapos in-invite niya ako sa bahay niya para mag-tong-its. Ang ganda-ganda talaga ng bahay niya.

“Tapos pagkatapos naming mag-tong-its, nag-tour kami sa bahay niya. Ang ganda, sobrang ganda, mansion. Sabi ko, ‘Ang ganda ng bahay mo mama!’

“Tapos sabi niya sa akin, ‘Ano ka ba kayang-kaya mo itong achievin baka higit pa. ‘Mama di ko na kaya ‘tong achievin dahil magtetrenta na ako,’ sabi ko.

“Sabi niya, ‘Kahit 30 ka pa ngayon, kahit 40 ka pa bukas, kaya mo ‘to. Huwag mo lang sasayangin ‘yung talent mo tapos gumawa ka lang ng mabuti ma-a-achieve mo ‘yung magaganda sa mundo.’

“So ‘yun ang nag-inspire sa akin na oo nga ‘no, siya nga na-achieve. Kung na-achieve niya bakit hindi ko maa-achieve eh, pareho naman kaming binayayaan ng talent at kakayahan.

“And at the same time ang swerte ko na may mga oportunidad na nagbubukas sa akin kaya sabi ko hindi ko sasayangin,” tuluy-tuloy na pahayag ng komedyante.

May nagkomento namang netizen na talagang isa si Vice sa matatawag na “bukod na pinagpala” dahil nasa kanya na nga ang lahat ng inaasam ng isang beki.

May bonggang career, may mala-hotel na bahay, may masayang pamilya at higit sa lahat, may makulay at exciting na lovelife! Kaya siguradong wala nang mahihiling pa si Vice sa kanyang buhay.

Read more...