Ex-PBB housemate Fumiya Sankai nakipagtagayan sa mga ‘tambay’ sa Japan: I’m lasing na talaga…

NAMI-MISS ng dating “Pinoy Big Brother Otso” housemate na si Fumiya Sankai ang Pilipinas kaya naman nag-imbita siya ng mga OFW sa bahay niya sa Japan para makainuman.

In-upload niya sa kanyang vlog nitong Lunes ng gabi ang ilang mga naging kaganapan sa pagkikita-kita nila.

Tinawag na tambay ni Fumiya ang mga kainuman habang sarap na sarap sa pulutan nilang chicharon sabay inom ng beer.

Gustong maranasan ni Fumiya kung paano maging tambay na habang umiinom ay nakikipagkuwentuhan. Ang kaibigang Pinay ni Fumiya ang kumukuha ng video, “Today, I want you to experience how to be a Tambay in the Philippines.”

Nagulat ang Japanese vlogger kung paano binuksan ng mga kainumang tambay ang mga bote ng beer na gamit ang tansan dahil wala silang bottle opener.

“I became enjoying this and I also drink a little,” say ng binata na talagang nag-eenjoy dahil siya pa ang laging nagsasabi ng, “Tagay! Tagay!”

Tinanong ng binata ang mga kainuman kung ilang bote ng beer ang nauubos nila at sinagot siya ng depende sa mood, pag nasa mood ay aabot sa isang case o 24 na bote na ikinagulat ni Fumiya.

Hirit naman ng babaeng kumukuha ng video, “Gusto mong pumunta ng Pilipinas ang let’s go tambay?”

“Oo, sige let’s go totoong tambay,” say ni Fumiya.

“Before I experienced brandy, drink, drink too much drinking and after I’m like (bagsak sa kalasingan) in the streets in the Philippines and my friends bring me to the tricycle and the tricycle driver like this (mahina ang takbo) and I’m like outside like this (muwestrang nagsuka), suka sa street like that,” tumatawang kuwento ng dating housemate ni Big Brother.

 Tinanong si Fumiya ng tambay na kainuman kung kailan siya babalik ng Pinas, “It’s depende ‘coz now, it’s pandemic pa.”

Nabanggit din nito na sa Japan kapag may inuman ay walang kuwentuhan dahil puro seryoso ang mga tao roon. Hindi tulad sa Pilipinas na masaya ang mga nag-iinuman at may karaoke pa.

Hanggang sa naisip ng binatang Hapones, “I want to put business here in Japan tambay-tambay. I will invite all Filipinos to tambay here and tagay-tagay. Kasi I don’t have Filipino friends dito sa Japan. Sa Philippines, I have friends from PBB.”

Dagdag pa niya, “And now you’re in my house, thank you (for coming) my tambay housemates, and yes I’m kuya.  And when I call you tambays and you come here and then tagay-tagay like that, di ba?”

Muling tumagay ang kainuman ng binata at niyaya siya pero tumanggi na, “I’m lasing na talaga, I’m so happy (kasama ang mga Pinoy), thank you so much.”

Naikuwento rin ni Fumiya kung ano ang naging buhay niya sa Japan bago siya nagpunta ng Pilipinas.

“Bakit ganu’n, working-bahay, working-bahay. When I was working din in a hotel before I went to Philippines, working-bahay din.  But when I’m in the Philippines, after trabaho tambay konti and Filipino love tsismis, di ba? And ako rin sobrang tsismis (tsismoso). Work, tambay, tsismis, sleep and trabaho.  I like that,” say ng binata.

At sa Japan ay isang beses lang sila mag-shower, sa gabi lang at sa umaga ay hilamos lang at sabay pasok na.

“Pero Filipinos in Japan, they will take shower in the morning before going to work and take shower again in the evening before going to bed,” sabi ng kaibigan niyang babae.

“Talaga? So, mas malinis (kayo),” sambit ni Fumiya sabay kanta ng, “Ang bango-bango ng bulaklak.”

Paalala ulit ng kaibigan ni Fumiya, “Pero di ba ikaw din when you’re in the Philippines, you take shower before going to work and before going to sleep you also take shower with no hot water.”

“Yes because the room in the Philippines sobrang malamig because of the aircon, so much crazy aircon, so after malamig (shower), and go inside the room, mas malamig parang winter talaga. I miss the Philippines, sobra. I want to go back to the Philippines kapag wala ng pandemic,” sabi ni Fumiya.

Read more...