HUMINGI ng tawad si BB Gandanghari sa kapatid niyang si Royette Padilla na sumakabilang-buhay nitong nakaraang linggo matapos umanong atakihin sa puso.
Pinagsisisihan ni BB na hindi niya itinuloy ang planong pagtawag sa kanyang kuya para personal itong makausap bago mag-Pasko.
Muling gumawa ng vlog ang dating aktor (Rustom Padilla) bilang bahagi ng kanyang pagluluksa sa biglaang pagpanaw ni Royette, ang panganay sa kanilang magkakapatid.
Sa unang bahagi ng video ni BB, mababasa ang mensaheng, “I thought of reaching out… to you.
“To ask you, how you are doing? Jam with you, laugh with you, or even cry with you.
“Never made that call. I waited a little bit too long…” pahayag pa ni BB.
Ayon pa sa kapatid nina Robin, nanghihinayang siya sa pagkakataon na nasayang dahil hindi man lang niya nakausap ang kapatid bago ito pumanaw.
“Di mo naitatanong, I wanted to talk to you before Christmas. I thought kagaya ko dito na mag-isa, baka kailangan mo lang ng kausap, kakuwentuhan, katawanan.
“Nasabi ko sa sarili ko baka hindi na ako matatakot sa ‘yo na tawagan ka kasi malayo ako dito.
“At eto, biruan na lang, pero di mo ako mauutangan kasi wala akong pera. Baka ako pa mangutang sa ‘yo,” ang pahayag pa ni BB.
Patuloy pa niya, “Siguro ‘yun yung regret ko ngayon. Sana nabigyan lang ng pagkakataon na we can talk about things other than problems, other than what’s yung mga hinagpis na dala-dala natin…just really enjoying the conversation.”
Nakipag-ugnayan din daw si BB sa pamilya ni Royette at tinanong kung may naikuwento ito bago pumanaw.
Sa isang bahagi ng kanyang vlog, nag-sorry din si BB kay Royette, “Sana naririnig mo, Kuya Royette, kung meron man akong gustong sabihin sa ‘yo more than anything else, kung meron man akong gustong ihingi ng tawad sa ‘yo…
“Kung at one point naparamdam ko sa ‘yo ang rejection, or somehow parang ayokong makipag-communicate, sana mapatawad mo ako,” aniya pa.
“Gusto ko ring magpasalamat sa ‘yo na, alam ko deep in my heart, you never said one single negative thing about me. Alam ko ‘yon sa puso ko.
“So, let me remember you as my loyal brother, as a protective brother. Hindi ka perpekto, marami kang pagkakamali. Sino ba ang wala?”
“When it’s time to wake up, you will finally realize the happiness, the togetherness, the sense of belonging that I know you have long yearned for,” pahayag pa ni BB.
Nagbalik-tanaw din siya noong mga bata pa silang magkakapatid, “Kuya Royette is the big brother I never met. Meron kaming age difference na six years.
“And so, nu’ng lumalaki ako, medyo nagbibinata na siya. Iba na yung ginagalawan namin.
“Si Kuya Royette din yung kapatid na naaalala kong very protective sa aming magkakapatid. That’s how I remembered him, even before nung nag-artista na kami.
“Hindi ko alam if he would take this as something na mangingiti siya o mababatukan niya ako.
“Pero kung ide-describe kasi yung mga panahon na yun, during the ‘90s, when we were doing our own thing as actors, kami nila Robin, parang nagkaroon ng reputation si Kuya Royette na parang bilang isang notorious.
“Yes, people know him in a notorious way. Looking back, I can only attribute it to his being so protective of us,” lahad pa ni BB Gandanghari.
Pahabol pa niyang pag-alala sa pumanaw na kuya, “Nu’ng nagkaroon din ako ng problema nu’ng panahon na gini-gay issue-gay issue si Rustom, sino din ang rumesbak?
“Sino ang rumesbak? Si Kuya Royette din. I never know you maybe as a big brother, but I will always remember you as the protective one,” dagdag pang kuwento ni BB.