Binati kasi ni Iya sa pamamagitan ng Instagram ang pinakamamahal na asawa na nag-celebrate ng kanyang ika-41 kaarawan nitong nagdaang Sabado.
Nag-post ang TV host-actress sa Instagram ng mga family photo nila kabilang na ang super cute na mga litrato ni Drew kasama ang tatlo nilang anak.
“Lucky to have you, just not so lucky when you leave a mess,” simulang sabi ni Iya sa caption.
Dagdag pa niya, “But I’ve got to give it to you, you do always bring my dirty plate to the sink. Always thankful for you even if I don’t say it.
“Hope you enjoyed your day yesterday, love! Happy birthday! I love you!” mensahe pa ng Kapuso star para sa kanyang mister.
Nagkomento naman dito si Drew ng, “Uy uy uy. Maliligo na ako! Wohoooooo!” Na ikinaloka ng mga netizens.
Mahigit 16 taon nang kasal ngayon sina Iya at Drew. Bago sila nagpakasal noong Jan. 31, 2014 sa Nasugbu, Batangas, 10 taon muna silang naging magkasintahan.
Biniyayaan din sila ng tatlong anak, sina Antonio Primo, Alonzo Leon at Alana Lauren.
Sabi nga ni Iya sa isang panayam, napakahirap magpalaki at mag-alaga ngayon ng mga anak pero aniya, kakaiba rin ang feeling at satisfaction na nararamdaman niya sa pagiging ina.
“You know it is something that I’ve been blessed to experience and to enjoy,” sey ng TV host.
Samantala, work from home pa rin ang set-up ngayon ni Iya dahil hangga’t maaari ay ayaw pa rin niyang lumabas ng bahay dahil sa patuloy na banta ng pandemya.
“It’s really hard. It’s been hard for many. So for me, to still be able to enjoy working from home, it is really something that I am not taking for granted,” lahad ng misis ni Drew.
“It’s challenging. It’s very challenging, but you know I am taking it. I’m enjoying every minute of it,” aniya pa.
Abot-langit din ang pasasalamat niya sa Kapuso Network dahil hanggang ngayon ay meron pa rin siyang trabaho kahit na nga may health crisis.
“I really feel that it’s a blessing and I’m really so grateful sa GMA and of course to the Lord for having it be set out this way for me,” sabi pa ng Kapuso star.