Basher basag kay Geneva: Ayoko sa lahat ‘yung nagmamarunong pero walang laman ang ulo

BASAG na basag kay Geneva Cruz ang isang “nagmamarunong” na netizen na nagsabing tumigil na raw siyang kumanta dahil matanda na siya.

Talagang niresbakan ng singer-actress ang basher at sinabihang huwag na itong magsalita dahil inilalagay lang niya sa matinding kahihiyan ang sarili.

In fairness naman kay Geneva, 44 na siya pero mukha pa rin siyang bagets. Marami nga ang hindi makapaniwala na may anak na siyang 24 years old.

Sabi ni Geneva sa kanyang Instagram post, “People always ask me if I have a 24-year-old son talaga kasi hindi raw ako mukhang 44… mukha raw akong 34.

“Yeah, my face and body look 34, but my back [due to scoliosis] and eyesight [make me] feel 54. Haha!” sey pa ng dating member ng OPM group na Smokey Mountain.

At sa isang bahagi nga ng kanyang post, inalala ni Geneva ang pang-ookray sa kanya ng isang babaeng basher, “One ignorant woman on Facebook commented, and sabi n’ya, ‘Don’t sing anymore kasi ang tanda mo na!’ (What?!?! May age limit pala ang pagkanta! Lol).

“Sabi ko, ‘You sound so smart when you’re not talking, so please… don’t open your mouth and quit embarrassing yourself.’

“Someday, that person, who is only 10 years younger than me (according to Facebook), will get older too. Wish ko lang sana when she gets to my age, kalahati man lang ng itsura ko ay makamit n’ya, which I doubt! Haha!” banat pa niya sa nasabing netizen.

Dagdag na hirit pa ng singer, “Pasensya na kasi pinaka ayoko sa lahat ‘yung nagmamarunong pero walang laman ‘yung ulo, pati puso wala rin. Bullies irritate me.”

“I love getting older. I have learned to embrace it instead of fear it because everyone will get old naman someday.

“Be humble kasi tumatanda ang lahat, and when you get really old–be blessed because not everyone is given the opportunity to live a long life,” mensahe pa niya sa kanyang IG followers.

Kung matatandaan, nag-post din si Geneva sa IG tungkol sa itsura niya ngayon kung saan inamin niyang may ipinagawa siya sa kanyang mukha sa edad na 16.

“Wala kayong kailangang baguhin sa mukha n’yo dahil maganda na kayo kahit ano pang sabihin nila.

“Pero, wala ring masama kung may gusto kayong baguhin basta ito ay talagang kagustuhan ninyo at hindi ng ibang tao.

“What I know now is that we derive our worth from the relationships we have in our lives– romantic, social circle, work–we give away our power and become dependent upon external validation, and when that’s taken away, our sense of value and identity goes with it.

“I am enough, and I am grateful,” pahayag ni Geneva.

Read more...