Kapusong si Rayver Cruz may mensahe sa pagiging Kapamilya ng GF na si Janine Gutierrez

Mula sa Instagram ni Janine Gutierrez

“Super excited akong maging Kapamilya. I’m so excited to work with all the Kapamilya actors, directors and I’m looking forward this New Year in a new home. Sobrang-sobrang grateful ko sa ABS-CBN.”

Ito ang bungad ni Janine Gutierrez nang pormal na siyang pumirma ng kontrata sa sa Kapamilya network nitong Biyernes, Enero 15, ng hapon.

Noong Lunes isinulat namin dito sa Bandera na nadulas sabihin ni Paulo Avelino na “newest Kapamilya” na si Janine sa ginanap na Fan Girl global mediacon nila ni Charlie Dizon.

Natawang komento ng aktres, “Nagulat ako sa pa-announcement ni Pau but at the same time. I’m really excited to work with him here kasi nakagawa kami ng movie together which is coming out sometime this year. Excited ako na siya pa ‘yung nag-anunsyo.”

Anyway, halatang walang mapagsidlan ng saya sai Janine at una niyang binanggit ay gusto niyang maka-trabaho ang writers at directors ng mga programa ng ABS-CBN.

“Marami talaga akong iniidolo rito like of course si Paulo, naka-work ko na. Dream ko ring maka-work si Jericho (Rosales), Angelica Panganiban (at) Angel Locsin,” nakangiting sabi ng dalaga.

Wala pang detalye kung anu-ano ang mga programa at pelikulang gagawin ni Janine at kung ilang taon ang kontrata niya. Ang sigurado lang ay sa Dreamscape Entertainment siya unang gagawa ng project.

Samantala, present ang ABS-CBN bigwigs sa ginanap na contract signing ni Janine tulad nina Presidente at CEO na Sir Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez, Broadcast Chief Operating Officer, Cory Vidanes at Dreamscape Entertainment head, Deo T. Endrinal. Kasama rin siyempre ang manager ng aktres na si Leo Dominguez.

“Soar high my love, will always be your number one fan,” ito ang tweet ng boyfriend ni Janine Gutierrez na si Rayver Cruz.

Masaya si Rayver sa magagandang nangyayari sa karera ng kasintahan at hindi hadlang ang paglipat ni Janine sa Kapamilya network kung saan nanggaling ang aktor.

Matatandaang si Janine pa ang ka-date ni Rayver sa ABS-CBN Star Magic Ball kaya noon pa ay welcome na ang dalaga sa Kapamilya.

At dahil walang masyadong offer si Rayver noon sa ABS-CBN kaya nagpasya siyang magpaalam sa mga bosses niya sa Star Magic para lumipat sa GMA 7 kung saan sunud-sunod ang teleserye at variety show na never nabakante sa dalawang taon niyang pamamalagi sa network.

Dapat sana ay may gagawing teleserye sina Rayver at Janine noong isang taon pa pero dahil sa Covid-19 pandemic ay hindi ito natuloy. Dinisisyunan na ngayong 2021 na lang ito ituloy pero ang kaso nag-desisyon na ang aktres na hindi na mag-renew ng kontrata niya sa GMA.

Ayon naman sa  GMA, sila ang  hindi nag-renew kay Janine.

Anyway, okay lang kay Rayver na hindi natuloy ang unang seryeng pagsasamahan sana nila ni Janine dahil pagdating sa trabaho ay hindi nila hinahadlangan ang desisyon ng isa’t isa.

“Kanya-kanya sila pagdating sa trabaho. Hindi isyu sa kanila ang work. Basta masaya sila sa ginagawa nila okay sila, suportahan sila sa isa’t isa,” pahayag ng taong malapit sa dalawa.

Parehong malawak ang pag-iisip nina Rayver at Janine at hindi uso ang selos pagdating sa mga nakaka-pareha nila. Dahil at the end of the day, sila pa rin naman ang magkasama.

Mula sa Instagram ni Janine Gutierrez

Read more...