Hindi magpapasakay ang Cebu Pacific ng mga dayuhang pasahero mula sa 32 bansa na may napatunayang kaso ng bagong variant ng Covid-19.
Sa advisory na ipinalabas nitong Biyernes, sinabi ng Cebu Pacific na lahat ng mga dayuhan na “nagmula, dumaan, o bumisita sa loob ng 14 na araw bago dumating sa Pilipinas” sa mga bansang binanggit ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay hindi tatanggapin sa kanilang flight.
Narito ang mga bansang sakop ng pagbabawal:
- United Kingdom
- Denmark
- Ireland
- Japan
- Australia
- Israel
- The Netherlands
- The People’s Republic of China, including Hong Kong Special Administrative Region
- Switzerland
- France
- Germany
- Iceland
- Italy
- Lebanon
- Singapore
- Sweden
- South Korea
- South Africa
- Canada
- Spain
- United States of America
- Portugal
- India
- Finland
- Norway
- Jordan
- Brazil
- Austria
- Pakistan
- Jamaica
- Luxembourg
- Oman
Ang advisory ng Cebu Pacific ay kaugnay sa hakbang ng pamahalaan na nagpalawig sa travel ban hanggang sa Enero 31 dahil sa bagong klase ng Covid-19.
Isinagawa ang ekstensyon matapos na ang isang Pilipinong dumating mula sa Dubai, United Arab ay nagpositibo sa UK variant ng Covid-19.
Pero sinabi ng Cebu Pacific na tatanggap ito ng mga Pilipinong pasahero mula Enero 15-31 galing sa Dubai, Hong Kong, Nagoya sa Japan, Singapore at Seoul sa South Korea.
Sinabi ng airline na ang mga pasaherong apektado ng temporary ban ay maaring:
- Magpa-rebook ng libre sa loob ng 90 araw (walang babayarang rebooking fee at dipiresya sa halaga ng ticket)
- Full travel fund (valid sa loob ng dalawang taon)
- Full refund
Mula sa ulat ni Katrina Hallare, INQUIRER.net