4.5 lindol tumama sa Calatagan, Batangas

Phivolcs

Isang 4.5 magnitude na pagyanig ang naganap sa bayan ng Calatagan, Batangas ngayong Sabado ganap na 6:48 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol 12 kilometro sa timog-kanluran ng Calatagan.

Walang inaasahang pinsala sa lindol na may lalim na 135 kilometro.

Mahina itong naramdaman sa Intensity I sa Calatagan, Batangas; Puerto Galera, Oriental Mindoro; at sa Plaridel, Bulacan.

Read more...