Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili ng AiDeLai face mask.
Ayon sa FDA, sa pamamagitan ng post-marketing surveillance, natuklasang hindi “notified” ang medical product at walang Product Notification Certificate.
Alinsunod sa Republic Act No. 9711 o Food and Drugs Administration Act of 2009, bawal ang pag-manufacture, importation, exportation, pagbebenta, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising o sponsorship nang walang proper authorization.
Sinabi ng ahensya na hindi dumaan sa evaluation process ang mga produkto kung kaya hindi tiyak kung ligtas itong gamitin.
“All concerned establishments are warned not to distribute, advertise, or sell the said violative food products until the Product Notification Certificate is issued, otherwise, regulatory actions and sanctions shall be strictly pursued,” pahayag pa nito.
Maaaring i-report ang pagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto sa pamamagitan ng eReport sa www.fda.gov.ph/ereport.