Zsa Zsa naglinis sa libingan ni Dolphy; muling humiling ng dasal para sa Comedy King | Bandera

Zsa Zsa naglinis sa libingan ni Dolphy; muling humiling ng dasal para sa Comedy King

Ervin Santiago - January 15, 2021 - 12:14 PM

NAGLAAN talaga ng oras ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla para dalawin ang puntod ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

At hindi lang basta binisita ng Kapamilya singer-actress ang kinalalagyan ng labi ng dati niyang partner, naglinis din siya doon nang bonggang-bonga!

Nag-post ng mga litrato si Zsa Zsa sa kanyang Instagram account na kuha sa tabi ng puntod ng Hari Ng Komedya na matatagpuan sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Makikita sa isang photo na may hawak pang mop ang Divine Diva na mukhang kinunan nga pagkatapos niyang maglinis sa libingan ni Mang Dolphy katuwang ang kanyang personal driver.

Meron ding white flower arrangement at candle holders sa libingan ng yumaong movie icon.

“For the first time in eight years, I wasn’t able to put flowers on my Lovey’s tomb during ‘Araw ng Patay’ and Christmas so since it’s Inday’s day off, cleaned together with my driver and ordered flowers from CAB,” ang bahagi ng caption ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram post.

“July will be his ninth death anniversary. Please say a little prayer for him,” dagdag pa niya.

Pumanaw ang Comedy King na si Dolphy o Rodolfo Quizon sa tunay na buhay noong July 10, 2012 sa edad na 83.

Nagmahalan at nagsama sila ni Zsa Zsa na parang tunay na mag-asawa sa loob ng 23 years. Meron silang dalawang anak — sina Nicole at Zia Quizon.

Kahit na may karelasyon nang iba ngayon si Zsa Zsa, ang architect na si Conrad Onglao, hindi pa rin niya nakakalimutang dalawin si Mang Dolphy sa libingan nito para mag-alay ng panalangin.

Sa isang IG post ni Zsa Zsa, sinabi nitong hanggang ngayon ay nami-miss pa rin niya ang dating partner, “I miss him everyday and I know that he is always with me in spirit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Please write a little something below to let me know how his life work has influenced you or your parents/grandparents. I’ll be so happy to know how he has put laugher in your hearts. That way, his memory lives on,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending