Bwelta ni Ellen sa tumawag sa kanya ng malandi: Hindi si Derek ang gusto ko

Bwelta ni Ellen sa tumawag sa kanya ng malandi: Hindi si Derek ang gusto ko

Ervin Santiago |January 14,2021
share this

Bwelta ni Ellen sa tumawag sa kanya ng malandi: Hindi si Derek ang gusto ko

Ervin Santiago | January 14,2021 - 04:55 PM

TINAWAG na “malandi” ng isang netizen ang dating sexy star na si Ellen Adarna matapos mag-comment sa Instagram post ni Derek Ramsay.

Naging headline ang dalawa nang malagyan ng malisya ang mga litrato nila na ipinost ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram Stories kamakailan.

Kuha ito sa pa-dinner party ni Derek sa mismong bahay nila kung saan imbitado ang ilan sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz. Naroon din ang tatay niya nang idaos ang kanilang get together.

Nagpaliwanag na si Derek kung bakit present si Ellen sa dinner party at mariin ding itinanggi na may namamagitan sa kanila ng dating girlfriend ni John Lloyd Cruz.

Wala naman daw malisya ang pagkukulitan at paglalandian nila ni Ellen, nagkakasayahan lang daw sila nu’ng mga oras na yun kasama ang iba pa niyang bisita kabilang na ang kaibigan niyang si John Estrada na leading man nga ni Ellen sa bagong sitcom ng TV5.

Pero ngayong araw nga, muling nagpiyesta ang mga netizen nang mag-post si Derek ng kanyang selfie photo sa Instagram habang nakahiga.

Maikling caption ng hunk actor, “Hmmmmmmmmmmm???? #ilikeyoureyes.” Nilagyan din niya ito ng dalawang laughing face with tears emojis. Ibig sabihin, nagpapa-cute lang siya sa kanyang mga followers.

Maraming nagkomento sa post ni Derek at isa na nga riyan si Ellen. Panunukso niya sa aktor, “Makuha ka sa tingin and pickup lines pak!” Tinag pa niya ang isang kaibigan nakasama rin nila sa dinner party.

Isang netizen ang nagkomento ng kanegahan nang mabasa ang ipinost ni Ellen. Burado na ang comment nito pero base sa mga nagtanggol sa single mom, tinawag siyang malandi ng nasabing basher.

Ito naman ang bwelta ni Ellen sa kanya, “Actually di man si derek ung gusto ko… parehos kami ng gusto si @galibearstravel yan talaga yung totoo kaya wag kana ma strong jan (laughing emojis).”

Mukhang common friend din nila ni Derek ang tinag na pangalan ng aktres.

Sa isang panayam, sinabi ni Derek na nagtataka na siya kung bakit lahat na lang ng babaeng makasama niya sa litrato ay sinasabing karelasyon niya o nilalandi niya.

“Hindi ko na alam kung saan nanggagaling lahat ito. Napakatahimik kong tao. We’re all having fun,” sey ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending