Sarah keri nang maglaba, magplantsa, magluto: Pwedeng-pwede na po akong mamasukan

Sarah keri nang maglaba, magplantsa, magluto: Pwedeng-pwede na po akong mamasukan

Ervin Santiago |January 14,2021
share this

Sarah keri nang maglaba, magplantsa, magluto: Pwedeng-pwede na po akong mamasukan

Ervin Santiago | January 14,2021 - 10:01 AM

MARAMI nang alam na gawaing bahay ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo mula nang magsama sila bilang mag-asawa ni Matteo Guidicelli.

Mag-iisang taon nang kasal ang celebrity couple at mukhang enjoy na enjoy naman si Sarah sa pagiging wifey sa kanyang hunky hubby na si Matteo.

Ayon kay Sarah G, maituturing niya ang sarili bilang hands-on housewife dahil siya mismo talaga ang gumagawa sa ilang mga gawaing bahay, kabilang na ang pagluluto at paglilinis.

Biro nga ng Kapamilya singer-actress pwedeng-pwede na siyang mag-apply bilang all-around kasambahay dahil napakarami na niyang natutunan sa halos isang taong pagsasama nila ng kanyang mister.

“Puwedeng-puwede na po akong mamasukan dito,” ang chika ni Sarah nang makipagchikahan tungkol sa married life sa 2-part vlog ng celebrity doctor na si Vicki Belo. Dito, nag-join din siya sa isang bonggang baking tutorial.

Nang tanungin siya ni Belo kung anu-ano nang gawain sa bahay ang na-master na niya, sagot ni Sarah,
“Maglaba, magplantsa, magluto, tagalinis, pampaligo ng aso, mga ganyan.”

Aniya pa, talagang enjoy na enjoy siya kapag nakatambay na siya sa kitchen dahil nga adik na siya sa pagluluto at pagbe-bake. Mahilig din daw siyang mag-experiment ng mga bagong recipes.

Kung matatandaan sa part 1 ng vlog ni Vicki Belo, sinabi ni Sarah na lumipat na sila ni Matteo ng bahay, mas gusto raw kasi talaga nilang mag-asawa ang may malawak na outdoor space.

“Mas mentally healthy for us na may outdoor talaga, may garden,” sey ng singer-actress kasabay ng pagkumpirma na nagre-rent lang sila ngayon ng bahay.

Sa isa pang bahagi ng video, sinabi rin ni Sarah na medyo emosyonal siya pagdating sa relasyon. Siya raw kasi yung tipo na naghahanap ng “validation” kung love ka talaga ng partner mo.

“I think ang mga babae, mayroon tayong subconsciously, we always look for validation. You’re making sure na mahal ka nu’ng lalaki.

“Yung tipong, “Mahal mo ba ako?’ Mga ganoon, mga pa-cute, parang timang!” natatawang pahayag pa ni Sarah G.

At sa tanong kung magkaiba ba ang level ng maturity nila ni Matteo at may epek ba ito sa pagsasama nila,  “Hindi naman po. Iyong maturity namin, magkaiba. May mga bagay na mature siya, ako, immature. Tapos feeling ko, mas mature ako sa bagay na ‘to, tapos siya, malapit na.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending