KAKASUHAN para maturuan ng leksyon ang mga taong nasa likod ng pamemeke at pagpapakalat ng malilisyosong litrato ng Korean singer-actress na si Nancy McDonie.
Kinumpirma ng MLD Entertainment, ang talent management na nangangalaga sa grupo ni Nancy na MOMOLAND ang pagkalat ng mga minanipulang photos nito na viral na ngayon sa social media.
Ayon sa MLD, “Nancy McDonie is undergoing severe emotional turmoil” nang dahil sa tinawag nilang “illegally manipulated photos.” Ibig sabihin, talagang naapektuhan nang bonggang-bongga ang miyembro ng MOMOLAND sa nangyari.
“Nancy is a victim of having photos being inappropriately taken and manipulated.
“The person that should be protected first and foremost is Nancy. We ask for your cooperation with a heavy heart,” bahagi ng official statement ng MLD Entertainment base sa English translation ng Soompi.
Ipinagdiinan din ng talent management ang gagawin nilang “strong legal action” laban sa mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng mga nasabing litrato ng K-Pop star.
“We will be joined by the police and judicial authorities overseas in taking strong legal action against the first person who posted the photos, as well as those who have taken part in spreading the photos.
“Through a legal representative, we will also pursue civil and criminal suits for compensation of damages on the basis of violating the Act on Special Cases Concerning the Punishment, etc. of Sexual Crimes, circulating material deemed pornographic by the Act on Promotion of Information and Communications Network Utilization and Information Protection, etc., and violating personal rights.
“Nancy is currently undergoing severe emotional turmoil. We sincerely ask of you. We long for an end to malicious posts that harass our artists.
“We will continue to make every effort to protect our artists from additional damage through continuous monitoring. We will also follow through with our legal actions with no leniency and without reaching a settlement.
“We want to express our gratitude to fans who always love and support our artists. We will continue to do our best in ensuring our artists’ personal and given rights. Thank you,” ang pahayag pa ng management ng MOMOLAND.
Bukod sa mga projects niya sa Korea, nakatakda ring magbida si Nancy sa upcoming ABS-CBN series na “The Soulmate Project,” kung saan makakasama niya si James Reid.
Inaasahan din ang paglabas ni Korean star sa iba pang local content matapos pumirma ng kontrata ang MOMOLAND sa ABS-CBN last year.