Isang taon matapos sumabog ang Bulkang Taal, isang potograpo ang bumalik sa isla… at eto ang kanyang nakita

  • Enero 12, 2020 nang muling magpakita ng galit ang Bulkang Taal. Nagbuga ito ng abo na napadpad sa malawak na lugar ng Calabarzon, Kalakhang Maynila, Gitnang Luzon at maging sa rehiyon ng Ilocos.
  • Isang taon matapos ang delubyong kumitil sa buhay ng 39 na tao at nagtulak sa libu-libong mamamayan para lumikas, binalikan ng Philippine Daily Inquirer ang isla ng Bulkang Taal.
  • Sa pagbalik sa isla ay kanilang natagpuan ang isang kapaligirang malayo sa dati nitong itsura.
  • Sa lente ng Inquirer photographer na si Grig C. Montegrande ay itinala ang kalagayan ng isla ng Bulkang Taal.
  • Makikita ang mga nawasak na tahanan.
  • Mga labi ng hayop na hindi na nagawang ilikas ng tumatakas na mga residente.
  • Nananatiling hindi tumutubo sa ilang lugar ang mga damo at halaman.
  • Nababalot ang isla ng makapal na abo mula sa bulkan.
  • Bitak-bitak ang mga lupa sa iba't ibang bahagi ng isla.
  • Sa ibang lugar ay malalalim na hukay ang naiwan.
  • Isang taon matapos maglabas ng galit ng Bulkang Taal.
  • Marahan, pero naroon ang mga senyales na unti-unting bumabalik ang buhay sa isla ng Bulkang Taal.

Read more...