BTS sa Kongreso ang bagong grupo sa kamara ni dating House Speaker Cayetano

Bumuo ng sariling grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pinatalsik na House Speaker na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Tinawag ang grupo na BTS sa Kongreso na may pitong miyembro at ito umano ay isang independent majority.

Kabilang sa grupo ni Cayetano ang mga dati ring lider ng Kamara na mahigpit na kaalyado nito na sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr, Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, at Capiz Rep. Fredenil Castro.

Paglilinaw naman ni Cayetano na ang independent majority ay nananatili ang suporta sa mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte pero magiging kritikal pagdating naman sa pamamalakad ng kasalukuyang liderato ng Kamara na pinamumunuan  ni Speaker Lord Allan Velasco.

Bukas, araw ng Huwebes, ilulunsad at ipaliliwanag ni Cayetano kung paano nabuo ang independent majority at kung bakit “BTS sa Kongreso” ang pangalan ng grupo.

Read more...