KC planong regaluhan ng 'Never Neverland' si Sharon

KC planong regaluhan ng ‘Never Neverland’ si Sharon

Ervin Santiago |January 12,2021
share this

KC planong regaluhan ng ‘Never Neverland’ si Sharon

Ervin Santiago | January 12,2021 - 02:00 PM

BALAK ipagpatayo ng bonggang beach house ni KC Concepcion ang inang Megastar na si Sharon Cuneta.

Muling nakapag-bonding ang mag-ina sa napakaganda at sosyal na resort sa Amanpulo, Palawan nitong nagdaang linggo.

Sinorpresa ni KC si Shawie nang bigla itong dumating sa tinutuluyan nilang villa para maki-celebrate na rin ng 55th birthday ng Megastar at makapagbakasyon na rin kasama ang pamilya.

Ayon sa actress-entrepreneur, isa sa mga ultimate dream niya ay ang mabigyan ng beach house ang ina na maaari nitong puntahan kapag  nais niyang mapalayo sa ingay ng Maynila.

Sa isang Instagram post ng singer-actress makikita ang kanyang kaseksihan habang nasa swimming  pool kung saan nabanggit nga niya sa caption na mareregaluhan din niya ng “never neverland” si Mega sa tamang panahon.

Kamakailan, ibinandera ni Sharon sa buong universe na “happiest birthday ever” ang kaarawan niya last Jan. 6 dahil sa sorpresang pagdating ni KC. “What a happy, glorious day it’s been,” dugtong pa niya.

“KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where I and the rest of the family are!

“She brought me our favorite strawberry shortcake and Tim brought me beautiful flowers! What a sweet surprise!” mensahe ng movie icon.

Hugot pa niya, “Don’t wanna go home yet… Should’ve bought a villa when it was still new and we first came here in 1996. Thank You God for this opportunity to be here with my family during my birthday week.”

Nauna nang sinabi ni Shawie na nagdesisyon siyang umalis muna ng Manila para mag-celebrate sa Amanpulo, “to get away and let go of all things and people negative and toxic.”

Aniya pa, “Thank God for this opportunity and for huge lessons He woke me up to just before the end of the past year! Needed this. The beach, a pool villa. Heck I deserve this!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending