Rachelle Ann takot manganak: Ang lagi kong tanong, masakit ba? ‘Yun talaga ‘yung fear ko…
KASAMA na sa daily routine ng singer-actress na si Rachelle Ann Go ang pagkanta tuwing umaga para sa baby na ipinagbubuntis niya ngayon.
Kuwento ni Rachelle, kapag kinakantahan niya ang panganay nila ng asawang si Martin Spies nararamdaman niyang gumagalaw at sumisipa ito mula sa kanyang sinapupunan.
Ayon sa international theater actress, sa kabila ng ipinatutupad na lockdown sa London dulot ng bagong variant ng COVID-19 ay sa kanyang pagbubuntis, nagiging productive pa rin siya sa kanyang everyday life at nakakapagtrabaho pa raw siya.
Nasa 30 weeks na ang sanggol sa sinapupunan ni Rachelle Ann at masaya niyang ikinuwento na healthy ang kanilang baby at walang mga kumplikasyon sa kanyang pregnancy.
“Mas maraming time to serve the church. I’ve been recording. I’ve been dong online services. Kapag may mga gigs din ako na nanggagaling sa Philippines, I’ve been recording stuff which is easier ngayon na buntis ako,” chika ni Rachelle Ann sa panayam ng GMA.
Dito nga siya nasabi na kinakantahan niya ang baby every morning, “Every morning kasi, when I do my quiet time, nagpe-play ako ng worship music. Hala sige, kanta ako nang kanta. Kapah naghi-hit na ako ng high notes, hindi ko alam kung naiingayan siya or nae-enjoy niya.
“Tapos sumisipa talaga siya, especially when I’m singing. Kapag nagpe-play kami ng music, kapag maingay, sumisipa ‘yung baby,” aniya pa
Samantala, inamin naman ng future mommy na inaatake rin siya ng nerbiyos ngayong malapit na siyang manganak, “Ang lagi kong tanong, masakit ba? ‘Yun talaga ‘yung fear ko eh. Before, if you ask me months ago kung may plano kaming magka-baby, ang sasabihin ko talaga ayoko kasi takot ako sa pain.
“Kung nagawa na ng ilang bilyong kababaihan sa buong mundo, kaya ko ‘yan.
“Sabi ko sa asawa ko, okay lang ba na papuntahin si Mama dito? And thank God sa kultura ng mga South African, they’re family oriented as well. Sanay sila na kasama ang parents so we agreed na papuntahin si Mama dito,” pagbabahagi pa ni Rachelle Ann.
Ngayong 2021, hindi muna tatanggap ng maraming trabaho ang singer-actress dahil nais niyang ibigay ang lahat ng atensyon sa magiging anak at sa kanyang asawa. Last December nga ay tinanggihan muna niya ang “Les Misérables” concert.
“Baka kapag nag-belt ako, bigla akong manganak sa stage. I think they’re opening this year as well. I’m not sure if I can do shows this year dahil nga mas masarap na rin ‘yung mag focus muna sa baby,” sey pa ni Rachelle Ann.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.