EXCITED na ipinakilala ng anak nina Hayden Kho at Vicki Belo na si Scarlet Snow sa madlang pipol ang kanyang “younger brother” na nasa Kenya.
Aliw na aliw ang mga netizens sa isang Instagram post ng 5-year-old celebrity kid kung saan ibinandera nga nito na may inampon silang baby rhinoceros na pinangalanan niyang Plasty.
Kasama ni Scarlet ang kanyang mga magulang na nag-enjoy sa kanilang safari trip sa Kenya nitong nagdaang holiday season. Bukod sa pagsalubong ng New Year doon, isinabay na rin nina Hayden at Vicki ang kanilang anniversary as a couple.
Makikita sa IG photos ni Scarlet ang itsura ng in-adopt nilang rhinoceros kung saan nakasulat ang caption na, “Guess what, peoples! We’re adopting a younger brother for me.
“Do you want to know who he is? He’s a baby rhinoceros!
“He’s a baby cousin of the 4yo rhino you see here. He needs our love and protection because poachers killed his parents to get their horns.
“So, Daddy and Mommy agreed that our family will adopt him. I get to name him and I’m thinking of calling him, ‘Plasty the Belo Rhino,'” sabi pa ni Scarlet.
Para sa mga magtatanong, hindi dadalhin nina Scarlet sa Pilipinas si Plasty pero bilang adoptive family nito, regular silang magbibigay ng financial support sa The Lewa Wildlife Conservancy para sa proteksyon at pag-aalaga sa mga tinatawag na “critically endangered species.”
Sabi nga ni Scarlet sa kanyang post, “The money will make sure he has veterinarians and rhino rangers from @lewa_wildlife who will make sure Plasty is safe and healthy. #NewEarthHeroes.”
“There’s not many rhinos left on earth so they really need the protection of us kiddie rangers!” chika pa ng bagets.
Samantala, nag-share rin si Scarlet Snow sa kanyang IG followers ng mga litrato ng mga giraffe, lion, hyenas at iba’t ibang uri ng ibon na nakita nila sa kanilang safari tour.
Aniya sa caption, “Here are some of the animals I met that our New Earth Heroes club swear to protect. They’re all beautiful. The hyenas are my favorite. I think they’re the cutest of them all. #NewEarthHeroes.”