Bea mas pagtitibayin ang relasyon kay Lord ngayong 2021: Siya na ang bahala sa destiny ko

MAS pagtutuunan ng pansin ngayong 2021 ni Bea Alonzo ang kanyang “spirutual growth” kasabay ng maluwag na pagtanggap sa kung anuman ang nakatadhana para sa kanya.

Nagbahagi ang dalaga ng kanyang mga realization sa naging takbo ng buhay niya nitong nagdaang taon at kung anu-ano ang mga inaasahan niyang mangyari sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa Instagram, nag-post ang aktres ng kanyang litrato na kuha sa Bencab Museum at dito nga niya nabanggit ang ilan sa mga plano niya ngayong 2021.

“Let the sunshine in. Last year brought so many changes in my life, and changes can be terrifying when you think about it,” simulang mensahe ni Bea sa isinulat niyang caption.

“But this year, I have decided to embrace all the transitions meant to make me grow. I have decided to embrace my reality.

“I am letting the waves take away all my worries, self-doubt, and fears. I am releasing myself,” patuloy pa niya.

“And though we live in a world where changes are meant to happen, may it be the weather, trends, prices, or even people; I am sure that I have a God whose love for me will never change.

“So, I am claiming that this year will be a more spiritual year for me. I am taking a step towards knowing HIM and letting HIM take control of my destiny. Ikaw? Anong realizations mo?” lahad pa ng award-winning actress.

Bago matapos ang taon, in-announce ng kampo ni Bea na wala na siya sa poder ng Star Magic at ang talent manager nang si Shirley Kuan ang hahawak sa kanyang showbiz career.

“After a series of consultations, Bea Alonzo has decided to pursue her professional goals under a new talent management. Bea has subsequently advised ABS-CBN that she has appointed Ms. Shirley Kuan to represent her as manager.

“We respect her decision. ABS-CBN has full confidence that Ms. Kuan, an industry veteran, will manage Bea with the same attention and care that Star Magic has devoted to Bea’s professional career.

“Even if Bea is no longer with Star Magic, she will always remain a Kapamilya,” ayon sa official statement ng ABS-CBN.

Kung wala nang magiging problema, si Bea na ang bibida sa Philippine adaptation ng hit Korean movie na “A Moment to Remember” kung saan makakatambal niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Ang nasabing pelikula ay base sa 2001 Japanese drama na “Pure Soul” na tungkol sa love story ng babaeng nagkaroon ng Alzheimer’s disease sa murang edad.

Read more...