NAGPALIWANAG ang Kapamilya TV host-actress na si Toni Gonzaga sa mga bashers ng na-evict na “Pinoy Big Brother: Connect” housemate na si Russu Laurente.
Si Russu na isang batang boksingero mula sa General Santos City, ang ikalawang housemate na napalabas sa Bahay Ni Kuya matapos nga nitong aminin. Nangyari ang eviction matapos nitong aminin kay Kuya na sumang-ayon siya noon sa issue ng ABS-CBN shutdown. Kasabay nito ang paghingi niya ng tawad sa lahat ng mga Kapamilyang nasaktan at naapektuhan ng pagpapasara sa network.
Pagkatapos nga ng journey ng binata sa loob ng PBB house, naglabas ng saloobin tungkol dito si Toni, isa sa mga host ng reality show.
Nag-post siya ng kanyang litrato sa Instagram na kuha sa harap ng Bahay Ni Kuya. Aniya sa caption, “Back to work this 2021. For our 2nd eviction night housemate Russu was evicted because of a mistake he did that eventually made him realize the damage it has done.”
Sey ni Toni, talagang matinding pamba-bash at pambu-bully ang inabot ni Russu sa social media nang dahil sa nagawa niyang kamalian.
“People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of words spoken.
“He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life,” pahayag pa ni Toni.
Pahayag pa ng TV host, ngayong marami na siyang baong aral mula sa ilang linggo niyang pananatili sa PBB, siguradong mas magiging maingat na siya sa kanyang magiging desisyon sa buhay.
Dagdag pa ni Toni, “May this also serve as a reminder for us to not define or label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up, rebuild and become a better person they are really supposed to be.”
“I hugged the boy after the show and he kept apologizing. Forgiveness is a gift everyone deserves. #sundayrealization2021,” sabi pa ni Toni.
Diretsahang inamin ni Russu kay Big Brother na isa siya sa mga nagsabing dapat nang ipasara ang ABS-CBN noong kasagsagan ng pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal ng network.
“Alam ko po Kuya na nasaktan po kayo na minsan po isa rin ako sa mga sumang-ayon sa pagpapasara ng iyong tahanan nong mga panahong hindi ko pa alam ‘yung mga nangyayari, ‘yung mga totoong nangyayari po sa mga nakikita ko po kuya.
“I’m sorry po kuya kung nasaktan ko po kayo at ‘yung pamilya po ng ABS-CBN,” pangungumpisal ng binata kay Big Brother.