Catriona iyak nang iyak nang marinig ang b-day message sa kanya ni Sam

KAARAWAN ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa Enero 6, Miyerkoles pero ngayong araw binigyan na siya ng birthday celebration sa “Sunday Noontime Live” ng TV5 kung saan kumanta rin siya.

Ang caption ng dalaga sa mga ipinost niyang mga larawan sa Instagram habang nagpe-perform siya ay, “You don’t have to change a thing, the world can change its heart.

“For my birthday prod I really wanted to show a different side of me, a vulnerable side. Behind my title, behind my job, I’m just a girl with a dream.

“I too battle with doubts and insecurities and internal fears. ‘Scars to Your Beautiful’ by @alessiasmusic – is not just a beautiful song but it carries an important message, one that I feel so many need to hear, but at times…I need to hear myself.

“Thank you to my @sundaynoontimelive @brightlightprodph @cornerstone families for letting my show this side of me to celebrate my birthday.

“Bare by @jellyeugenio @paulnebreshair @justine.aliman19 Captured by @krkjake #AllOutFor2021SNL,” ang kabuuang post ng beauty queen.

Pagkatapos ng production number ng dalaga sa nasabing programa ay ipinakita naman ang video message para sa kanya ng boyfriend niyang si Sam Milby.

Pahayag ng binata, “Hi Koala, happy birthday, I’m sure that’s your birthday prod comes pretty well, so congratulations, I’m proud of you.

“You have a heart full of compassion and everything. And you always put up people first and you’re such a big blessing to a lot of people, you’re also a big blessing to my life.

“So, thank you for who you are and I really hope that God grants all the desire of your heart because you deserve it, I love you Koala. Happy Birthday!’’

Kinikilig naman si Catriona habang nagsasalita si Sam at halatang pinipigilan ang pagtulo ng luha. At tuwang-tuwa rin ang co-host niyang sina Jake Ejercito, Ricci Rivero at Maja Salvador.

Pero tsika ng aming source, habang commercial break daw ay iyak nang iyak si Catriona hanggang sa dressing room.

At ang dahilan sabi ng aming source, “Di talaga n’ya ini-expect at first time nag-express si Sam ng ‘I love you’ in public tapos sinabi pa ang pet name sa kanya, ‘yung Koala nga.”

Oo nga hindi kasi expressive si Sam sa mga nakakarelasyon niya kaya nakagugulat nga na sinabi niya ito sa publiko para sa babaeng pinakamamahal at umaasang si Catriona na nga ang makakatuluyan niya.

Hmmm, ano naman kaya ang term of endearment ni Catriona kay Sam?

Sa kasalukuyan ay nasa Ohio, USA pa rin ang magsing-irog at tila tatapusin nila ang buong Enero roon.

Read more...