KC hot na hot sa 2021, muling pinainit ang socmed dahil sa beach photo

PINAINIT na naman ni KC Concepcion ang social media sa mga pasabog niyang beach photos para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Hot topic na naman ng mga netizens ang kabogerang pictorial ng singer-actress sa napakagandang beach sa El Nido, Palawan.

Ilang litrato ang ibinahagi ng panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram followers kung saan makikitang nag-eenjoy siya sa pagtatampisaw sa dagat.

“Finally ‘21 Adulting. To reap the rewards of the lessons learned in 2020 is the hope for the new year ahead. Happy new year, everyone!” ang caption na kanyang inilagay sa isa niyang IG post.

Sa isa naman niyang litrato, pinayuhan niya ang madlang pipol na ipagpatuloy lang ang “paglangoy” sa agos ng buhay sa kabila ng mga pinagdaraanang problema at pagsubok.

“Ending the year with a sea of emotions… (anchor emoji). This year we learned that when faced with hard times, it’s our choice to either sink, or swim. Keep swimming,” mensahe ng dalaga.

At sa isa pa niyang swimsuit photo kung saan muli ngang ibinilad ni KC ang kanyang beach body sa napakagandang resort ng El Nido, winelkam ng dalaga ang pagpasok ng 2021.

“GOOD MORNING 2021! Coffee, tea, or the big blue sea? (heart emoji). (You know where to find me!) There’s no place I’d rather be,” sey niya sa caption with matching wave at sun emoji.

Karamihan sa mga nagkomento sa mga beach photos ni KC ay nagsabing napakaganda ngayon ng aura ng dalaga. Kitang-kita raw sa mukha nito ang sobrang kaligayahan.

Halos lahat naman ng netizens na nag-react sa kanyang sexy photo ay nag-post ng fire emoji na ang ibig sabihin ay hot na hot pa rin ang anak ni Mega kahit may banta pa rin ng pandemya.

Kumalat din ang chika na kasama ni KC na nag-celebrate ng New Year ang rumored boyfriend niyang si Apl.de.ap.

Matagal nang nali-link sa isa’t isa ang dalawa pero wala pa silang diretsahang pag-amin o pagtanggi hinggil dito.

Nitong nagdaang Pasko naman ay sinorpresa ng dalaga ang nanay niyang si Sharon dahil bigla itong dumating sa bahay ni Mega para roon mag-celebration ng Noche Buena kasama ang mga kapatid at ang ikalawang ama na si Sen. Kiko Pangilinan.

“My complete family this Christmas Eve. God is good ALL the time. HAPPY BIRTHDAY, LORD JESUS!” ang caption ni Sharon sa family photo nila na ipinost niya sa Instagram.

Mensahe naman ni KC  “A quiet, peaceful, heartfelt Christmas with my Queen. Merry Christmas, loves!”

Read more...