HANOI — Nagtala ang Vietnam ng unang kaso nito ng bagong coronavirus variant na ngayon ay mabilis na kumakalat sa Great Britain, ayon sa ulat ng health ministry ngayong Sabado.
Na-detect ang bagong klase ng coronavirus sa isang 44-anyos na babae na bumalik sa Vietnam nula sa Britain. Na-quaratine siya pagkarating ng bansa at nakumpirmang positibo sa virus noong Disyembre 24, ayon sa pahayag ng ministry.
“Researchers ran gene-sequencing on the patient’s sample and found the strain is a variant known as ‘VOC 202012/01’,” dagdag pa nito.
Ang bagong klase ng coronavirus ay may kaakibat na genetic mutation na sa teorya ay maaring magresulta ng mas mabilis na paglipat ng virus sa pagitan ng mga tao.
Maraming bansa sa daigdig ang nag-impose ng travel restrictions sa Britain para hindi kumalat ang bagong variant, na ayon sa mga siyentista ay 40-70% na mas nakakahawa kaysa sa orihinal na Covid-19.