Isang Pilipina na nurse sa United Kingdom ang nagkamit ng British Empire Medal dahil sa kanyang “outstanding work” sa panahon ng pandemya.
Si Charito Romano, staff nurse sa Arbrook House Care Home sa UK, ay kabilang sa listahan ng binigyang parangal nitong Bagong Taon ni Queen Elizabeth II.
Binati ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce si Romano sa pagkamit niya ng prestihiyosong medalya.
“Many congratulations to Staff Nurse Charito Romano, from the [Philippines], awarded a British Empire Medal in the #NewYearsHonours for her outstanding work at Arbrook House Care Home in the UK during the #Covid19 pandemic,” wika ni Pruce sa kanyang post sa Twitter.
Many congratulations to Staff Nurse Charito Romano, from the 🇵🇭, awarded a British Empire Medal in the #NewYearsHonours for her outstanding work at Arbrook House Care Home in the UK during the #Covid19 pandemic. #Honours2021 pic.twitter.com/hA7yAXFPWT
— Daniel Pruce 🇬🇧 (@DanielPruce) January 2, 2021
Dahil sa pandemya, ang deputy manager ng care home ay hindi nakakapasok dahil sa shielding.
“I just stood up and took action,” wika ni Romano sa British journal na Nursing Standard. “Whatever the guidelines or the government said, I acted on it and put it into place to make sure I supported the manager so that our care home was safe.”
Dagdag pa niya, “It is so nice to be recognised knowing that I am a Filipino nurse and not trained in the UK.”
Noong nakaraang Oktubre, isa ring Pilipina na nurse, si Minnie Klepacz, ang ginawaran ng British Empire Medal dahil sa kaniyang “walang kapagurang gawain para matulungan ang kanyang mga kasamahan at ang komunidad” sa panahong nananalasa ang Covid-19 sa UK.
Si Klepacz ay nagtatrabaho bilang matron sa ophthalmology at bilang pinuno ng ng Black Asian Minority Ethnic Network sa Royal Bournemouth Hospital.
Dati nang pinuri ng British journalist na si Piers Morgan ang mga Pilipino na nurse sa UK bilang mga bayani sa pakikipaglaban ng bansa laban sa Covid-19.
Piers Morgan lauds Filipino nurses in UK as ‘unsung heroes’ in COVID-19 fight