Catriona blooming, fresh-looking sa bagong IG post mula sa America

Kasalukuyang nasa Ohio, USA pa rin ang mag-sweetheart na sina Sam Milby at Catriona Gray base na rin sa post ng 2018 Miss Universe sa kanyang Instagram nitong Enero 1.

Naka-sweatshirt si Catriona ng fuchsia at white pants habang nasa gitna ng snow. Ang caption niya sa kanyang picture, “Woke up with hope in my heart. 🌸  Goodmorning 2021.”

Halatang nakapahinga ang dalaga dahil fresh-looking at sa tingin namin ay nagdagdag siya ng timbang.

Napansin din ito ni @airascan, “Ang ganda. Ang Blooming. Ang fresh. Ang youthful ng mukha.”

At dahil hindi nakikita si Sam sa mga post ng dalaga kahit alam naman magkasama sila ay tinanong ni @catherine_doria_soriano17, ‘’Where is Sam? love you both.”

Nagpahayag din ng suporta si @clark_kean, “Hoping and praying for good and healthy 2021 to you and family! Stay happy and in love! We love catsam here in New Jersey hoping to see you guys! @samuelmilby @catriona_gray.”

Samantala, kaarawan ni Catriona sa Enero 6, Miyerkoles dito sa Pilipinas, at ang tanong, sa Ohio kaya niya ise-selebra ang kanyang 26th birthday?

Anyway, may inihanda naman ang programang Sunday Noontime Live sa TV5 para sa birthday celebration ni Catriona bukas, Linggo, at na-tape na ito bago siya lumipad ng Amerika noong Disyembre.

Ang SNL ay produced ng BrightLight Productions at Cornerstone Studios.

 

Read more...