Diego, Barbie magdyowa na: Thanks for making the end of my 2020 memorable!

STATUS: “In a relationship.”

Ibinandera na ng aktor na si Diego Loyzaga ngayong unang araw ng Bagong Taon na nagkakamabutihan na sila ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng binata ang sweet photo nila ng dalaga na kuha sa isang beach reasort sa Bohol.

Sabi ni Diego sa caption, “Happy new year to us (heart emoji) thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets gooo 2021!!”

Walang binanggit ang aktor kung kailan kinunan ang litrato nila ni Barbie pero ang paniwala ng mga netizens ay magkasamang nag-celebrate ng New Year ang dalaga.

Sa mga bagong post naman ng young actress sa Instagram, nakalagay ang pangalan ng isang luxury resort sa Bohol.

Isa nga rito ang kuha ng dalaga sa swimming pool kung saan nag-comment si Diego ng camera emoji na ang ibig sabihin ay siya ang nagsilbing photographer ni Barbie sa “pictorial” nito.

Sunud-sunod naman ang pagbati sa celebrity couple ng kanilang fans at ilang kaibigan sa showbiz kabilang na si Sunshine Cruz.

Comment ni Sunshine sa magdyowa, “You both deserve to be happy! Happy New Year Diegs and my beautiful Cai!”

Si Sunshine ay dating asawa ni Cesar Montano na tatay ni Diego. Close rin si Sunshine sa nanay ni Diego na si Teresa Loyzaga.

Bukod dito, naging malapit naman si Sunshine kay Barbie dahil siya ang gumaganap na ina ng aktres sa Kapamilya series na “Bagong Umaga.”

Ayon naman kay Enzo Pineda, “Happy for the both of you @diegoloyzaga and @msbarbieimperial.”
“Happy New Year Lovers,” komento naman ni Melai na masayang-masaya sa relasyon ng dalawang Kapamilya stars.

Sey naman ni Albie Casiño “Instagram official” na sina Barbie at Diego dahil finally ay ibinandera na nila sa social media.

Kung matatandaan, unang kumalat ang chika tungkol sa celebrity couple nang mag-comment ang binata sa bikini photo ni Barbie. Talagang napa-wow si Diego sa seksing litrato ng dalaga.

Maraming netizens ang nanukso kina Barbie at Diego at nagsabing sana raw ay sila na ang magkatuluyan.

Read more...