NAGPALIWANAG si Paulo Avelino kung bakit sa anak nila ni LJ Reyes na si Aki niya inialay ang napanalunang best actor award mula sa Metro Manila Film Festival 2020.
Sa acceptance speech ng Kapamilya actor sa ginanap na Gabi Ng Parangal ng taunang filmfest, special mention talaga niya ang anak.
“Dinedicate ko yung award kay Aki siguro kasi lahat naman ng ginagawa ko para sa taong minamahal ko.
“Hindi naman ako materialistic na tao, hindi naman mataas yung pangarap ko para sa sarili ko. So itong mga taong ito ang nagiging inspirasyon ko para magtrabaho.
“Kung wala sila malamang hindi na rin siguro ako umaarte ngayon or wala na rin akong ginagawa so kaya dinededicate ko yung award ko kay Aki,” paliwanag ni Paulo sa isang panayam.
Samantala, nais naman ng aktor na maging inspirasyon sa mga baguhan at kabataang artista ngayon ang natanggap niyang acting award.
“Siguro this time there’s more mileage because MMFF is the biggest festival locally so I’m sure mas maraming reach, mas madaming taong nanonood.
“Mas madaming katulad ko na aktor or aktres na makakakita and mai-inspire sila to not just accept roles like this, but look for the material that they haven’t done and that would challenge them,” lahad ni Paulo.
Dagdag pa niya, “There’s a lot of reasons eh to be honest pero it’s validation na tama yung pagpili ko at paggawa ko nitong Fan Girl.
“At the same time, I also want to send a message to the young actors to be braver. Don’t be afraid to accept a role. Iba na yung panahon ngayon.
“Iba na yung pamamalakad ng maraming bagay so ano pa ang ikakatakot mo para tanggapin itong magandang pelikula. Minsan kasi nagiging hadlang yung stardom or image or yung gustong patunguhan nung bata.
“Nasa industriya tayo and we are actors, at the same time that the filmmakers are elevating their films, dapat sumabay din ang mga actors na sumabay din sila.
“Kumbaga sa Hollywood at sa Europe, hindi naman ganito yung mga artista nila. When they enter a role, it’s an acting job and yun yung dahil maganda yung gagawin. Sana ganun din yung maging outlook nu’ng mga young actors natin,” paliwanag pa ng MMFF 2020 best actor.