Cris Villonco tina-try mabuntis sa pamamagitan ng IVF: 2021 bahala ka na…

HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa ang singer-actress na si Cris Villonco na sa tamang panahon ay bibiyayaan din sila ng kanyang asawang si Paolo Valderrama ng baby.

Taong 2016 nang magpakasal sina Cris at Paolo pero hindi pa rin sila nabibigyan ng anak. Inamin ng movie at theater actress na marami na rin silang procedure na sinubukan para mabuntis.

At ngayon ngang 2021, maaaring subukan nga nilang mag-asawa ang in-vitro fertilization (IVF) kasabay ng  mensahe sa mga tulad niya na hanggang ngayon ay nagdarasal para makabuo ng baby.

Nag-post si Cris sa Instagram ng mga litrato na kuha sa mga clinic na pinuntahan nila para sa ilang medical check-up at procedure para sa kanyang pagbubuntis.

Aniya sa caption, “2020… the year of hope.

“I cannot recall and count how many clinics, visits, bloodwork, ultrasounds and procedures we have gone through to get pregnant.

“As early as now, my list of hopes and dreams will still continue to eat away the anger and hurt. It’s hard to wait around for something you know might never happen,” pahayag ng apo ng award-winning actress at producer na si Armida Siguion-Reyna.

“It’s even hard to know when it’s everything you want. I used to find it silly when I read this phrase on IVF Support Groups…

“But I now absolutely understand. To you… who feels like giving up. Don’t. I pray and shower you with … Baby Dust. 2021… bahala ka na,” pahayag pa ni Cris na huling napanood sa horror movie na “U Turn” na pinagbidahan nina Kim Chiu at Tony Labrusca.

Nagpasalamat naman siya sa kanyang mister dahil sa pagmamahal at suporta nito sa kanya. Hindi rin daw nito ipinararamdamam sa kanya na kasalanan niya kung bakit wala pa silang baby.

Read more...