Janine inalok ng GMA ng teleserye kasama si Rayver pero huli na ang lahat…

 

MATAGAL hinintay ni Janine Gutierrez na magsama sila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz sa isang teleserye ngunit hindi ito nangyari noong nakakontrata pa siya sa GMA 7.

Pero nu’ng nagpaalam na siya na gusto na niyang maging freelancer at hindi na pipirma ng kontrata ay saka naman siya inalok ng management ng teleserye kasama si Rayver.

Ang kaso, huli na ang lahat dahil nakapagdesisyon na siyang tumanggap ng ibang project mula sa ibang TV network.

“Actually may gagawin siyang TV series for 2021 with Rayver Cruz, ganda sana ‘di ba, eh, wala na siya, so iba na lang ang makakasama ni Rayver.

“Nalulungkot siyempre ang management kasi nagsabi si Janine na mas gusto niyang maging freelance.
“Gusto niyang makipagtrabaho sa ibang artists na hindi pa niya nakaka-work, kaya iginalang naman ng management ang decision niya,” pagtatapat ng aming source.

Anyway, sanay naman na si Janine na makatrabaho ang ibang Kapamilya stars na sinimulan ni Vhong Navarro sa pelikulang “Buy Now, Die Later” noong 2017; “Elise” kasama si Enchong Dee taong 2019; at “Babae at Baril” kasama si JC Santos noong 2019.

Muling nagsama sina Janine at JC sa pelikulang “Dito at Doon” na mapapanood na sa 2021 produced ng TBA Studios at idinirek ni JP Habac.

Balitang sa unang linggo ng Enero, 2021 pipirma ng kontrata si Janine sa Kapamilya Network kung wala nang magiging problema. At ang una niyang magiging project ay sa Dreamscape Entertainment.

 

 

Read more...