K Brosas ninega sa pagpunta sa Bora: Pera n’yo ba ginamit ko?Pinaghirapan ko to, hindi ko ninakaw!

SA kabila ng COVID-19 pandemic ay napapasalamat pa rin ang mang-aawit na si K Brosas dahil nitong huling quarter ng 2020 ay nabigyan siya ng regular na trabaho.

Isa siya sa mga host ng noontime show na “Lunch Out Loud” o “LOL” sa TV5 kasama sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, KC Montero, Wacky Kiray, Jeff Tan, Bayani Agbayani, Macoy Dub, Laboching at Ariel Rivera produced ng BrightLight Productions.

Nagpunta rin si K sa bansang Denmark para mag-shoot ng pelikula kasama si Elisse Joson na kahit lockdown ang nasabing bansa ay natapos nila nang maayos ang kanilang trabaho.

Pagkalipas ng dalawang linggo, “Balik Manila na. Grabe ang Denmark shooting experience! Akalain mo ‘yon kahit nag-lockdown natapos namin ang movie at super saya thank you LORD!

“Salamat din sa aking co-star na napaka-sweet at masarap kasama na si @elissejosonn at bwisit kc walang anggulo na haggard ang napakagandang batang ‘yan syet hihi.

“Sa lahat ng bumubuo ng movie sobrang Salamat PO SA tiwala at pag tupad ng matagal ko ng pangarap ang magka-pelikula at last @mavxproductions salamat po at sana gawa uli tayo ng next project hehe abangan ang mag inang SWEET at HONEY SA Netflix soon. Lablablab! #denmark #movie #blessed,” ayon sa post ng komedyana sa social media.

Tatlong araw bago mag-Pasko nakarating ng Manila si K at nagpahinga at nagdiwang dito kasama ang anak na si Crystal Brosas.

Pero ngayong Bagong Taon ay nasa Boracay silang mag-ina para salubungin ang 2021 with a bang.

Nag-post si K ng larawang nakaharap siya sa napakagandang beach, “Good morning! chillax lang basa lang muna ng book keme sabi sa weather forecast, 100% rain today pero eto anjan pa si Sunshine Cruz (mataas ang araw) habanaysdey! #galawgalawbagopumanaw #newyearVacay #blessed.”

Nagbigay dito ng komento ang netizen na si @B_Arron, “Like this for example 9months na tayo ganito. It is impossible to gate keep people’s social activities anymore. If you are strictly avoiding people and staying indoors. Thank you. For those who are not, it is their choice. Their risk.”

Sinagot naman ito ni K ng, “May nag comment.. bakit daw ako nagbabakasyon sa gitna ng mga nangyayari. uhm pera nyo ba ginamit ko? may batas ba ako na sinuway? may inapakan o ginago ba ako? pinagpaguran at pinaghirapan ko to, hindi ko ninakaw. don kayo sa philhealth magalit ng sagad shutanginamez!”

Sumagot si @B_Arron, “@kbrosas Yes po. I completely agree. Iwas po sa tao if possible and self-monitor kung may symptoms. Also omg first time ako replyan ng artista HAHA hello po. I’m a fan.”

Ayon kay naman kay K, “@B_Arron, hehe.. salamat.. pero gusto ko lang din share na kaya pinili ko shangrila boracay since ilang beses nako dito before.. kc napaka secluded at private, may sariling private beach na sa panahon ngayon ma aapreciate mo lalo hehe.. so ayun. happy holidays! Thanks.”

Read more...