SA unang tingin, iisipin mo talagang parang buntis ang TV host-actress na si Alex Gonzaga sa bago niyang vlog sa YouTube.
Maraming netizens ang nakapanood sa video ni Alex na kuha sa Christmas celebration ng kanilang pamilya kung saan nakasama rin nila ang fiancé niyang si Mikee Morada.
Nag-post din ang YouTuber ng teaser sa Instagram ng kanyang latest vlog.
Makikita rito na magkatabi sina Alex at Mikee, kasama ang kapatid niyang si Toni, ang asawa nitong direktor na si Paul Soriano at ang anak nilang si Seve. Naroon din ang parents nilang sina Bonoy at Pinty Gonzaga.
Kapansin-pansin sa litrato ang maluwang na white maxi dress ni Alex pati na ang pagkakahawak ni Mikee sa tiyan ng vlogger-TV host.
Sa isang litrato makikitang nakayakap si Alex sa balikat ng kanyang fiancé habang nasa bewang naman ng dalaga ang braso ni Mikee.
May isa pang litrato na magkahawak-kamay naman ang dalawa na nakaposisyon sa bandang puson ni Alex kaya kung titingnan mo nga ay parang may baby bump ang aktres.
Sa comments section ng Instagram post ni Alex, may mga netizen na nagkomento ng “BUNTIS!!!” at “Halatang-halata na!” na ang tinutukoy nga ay ang umbok ng tiyan ng sisteraka ni Toni.
Pero mariing dinenay ni Alex na nagdadalang-tao siya. Aniya, ilang araw nang hindi maganda ang kundisyon ng kanyang tiyan.
“Di ba pwedeng pupu lang? Since day 1 constipated nako ayaw makisama ng tyan ko kaya nagglutalipo na,” hirit pa niya sa panunukso ng kanyang IG followers.
Kung matatandaan, una nang natsismis si Alex na buntis ilang linggo pa lang ang nakararaan matapos siyang batiin ng mga netizens ng “congratulations” dahil inakala nga ng mga ito na pregnant siya.
Pero paglilinaw ng aktres, nakararanas lang daw siya ng constipation o hirap sa pagdumi. Post ni Alex sa Twitter, “Kapag cinocongratulate ka na ng katrabaho mo dahil akala nila buntis ka…
“Ghorl kelangan ko na talaga pumoops! Dalang ta* po hindi dalang tao… [rolling in the floor laughing],” aniya.