PhilHealth nagpaliwanag kaugnay sa nakaambang pagtataas ng buwanang kontribusyon

Naglabas ng detalyadong paliwanag ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth matapos ang batikos ng publiko sa nakaambang pagtataas ng monthly contribution.

Ayon sa PhilHealth, para sa taong 2021, ipatutupad ang adjustment sa contribution at income ceiling para masiguro ang sapat na pondo ng ahensya na inilalaan sa benepisyong medical ng 110 milyong miyembro nito.

Ang pagtass ng kontribusyon ayon sa PhilHealth ay batay din sa itinatakda ng RA 11223 o Universal Health Care Law.

Paliwanag ng PhilHealth, mas marami naman ang magiging pakinabang ng kanilang mga miyembro sa ilalim ng UHC Law.

Apela ng PhilHealth sa publiko, pagtiwalaan ang bagong pamunuan ng ahensya para ipatupad ang mga reporma at baguhin ang sistema.

Tiniyak din ng PhilHealth na ang pinaghihirapang kontribusyon ng mga miyembro ay sa mga benepisyo mapupunta.

Read more...