Kim kay Xian: Thank you for keeping up with the Chius! Kahit isang barangay kami

TALAGANG sinulit ni Kim Chiu ang ilang araw na pagbabakasyon sa Boracay kasama ang pamilya at ang kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Sa Bora nag-celebrate ng Christmas ang Kapamilya actress-TV host at base sa mga litratong ibinahagi niya sa social media, talagang in-enjoy niya ang bawat oras ng pakikipag-bonding sa mga mahal niya sa buhay.

Bukod sa kanyang loved ones, para na ring nakasama ng dalaga ang milyun-milyon niyang followers sa Boracay dahil sa dami ng mga litratong ipinost niya Instagram.

Ang latest nga ay ang kulitan moments niya with the family habang sila’y nasa buhanginan. Aniya sa simula ng kanyang caption, “Thankful for the Gift of Family!”

Dugtong pa niyang mensahe, “This year may be challenging, but I get through by having ‘them’ with me. I am happy to belong to a big family! may instant barkadahan kana kaagad!

“As the saying goes, ‘to the outside world we all grow old, but not to brothers and sisters.’ We know each other as we always were. We know each other’s hearts.

“We share private family jokes. We remember family feuds and secrets, family griefs, and joy. We have that special bond, and that is called blood. #myrock #myinspiration.

“We miss you here @alfa1charlie puhon puhon maka uli rapud ka! @kamchiu @twinklechiu #william #avi #raineliamcallee,” aniya pa.

Samantala, nagpasalamat din siya kay Xian kalakip ang ilang litrato nila together sa buhanginan. Sey ni Kim sa caption, “Appreciation post to this guy right here!️ thank you for making this trip possible, plus thank you for keeping up with the CHIUs!!!!

“Kahit isang barangay kami. Haha you know how much this mean to me seeing my fam happy!️ you’re the best mr thank you! @xianlimm.”

Bago ito, nag-post din si Kim sa IG ng mga picture nila na kuha sa harap ng eroplanong sinakyan nila papuntang Bora.

“First time to ride a plane since lock down, after 11 months!  It felt a little different but good thing @airasiaph made sure everything is clean and safe. Very good accommodation, fast, clean plus everything is well sanitized. Thank you alvin @iamalvinlasco of airasia, your super nice!!! again Merry Christmas everyone!

“Off to the CROWN JEWEL OF THE PHILIPPINES, BORACAY! (kailangan naka tiptoe pag kasama si xi!!!! @xianlimm,” sey niya sa caption.

In fairness, mukhang pangmatagalan na nga ang relasyon ng KimXi na talagang ipinaglaban nila mula sa mga kanegahan sa showbiz. Pinatunayan nila sa madlang pipol at sa buong universe na totoo at walang bahid ng pagkukunwari o gamitan ang kanilang pagmamahalan.

Read more...