Reps. Helen Tan, Alfred Vargas, Josephine Sato at ilan pang kongresista tinukoy ni Duterte na sangkot sa katiwalian

(Mula sa taas sa kaliwa, clockwise) Reps. Angelina Tan, Henry Oaminal, Josephine Sato, Eric Yap, Geraldine Roman at Alfredo Paolo Vargas.

Ilang kongresista ang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa korapsyon partikular sa anomalya sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Sa pulong sa inter-agency task force nitong Lunes (Dec. 28),  binasa ng pangulo ang listahan mula sa Presidential Anti-Corruption Commission’s (PACC) na naglalaman ng pangalan ng mga government official na sangkot sa korapsyon.

Pero sinabi rin ni Duterte na walang matibay na batayan kung totoong sangkot nga ang mga mambabatas sa anomalya.

Kabilang sa binanggit ng Pangulo ang sumusunod na mga kongresista:

Ayon sa Pangulo, si Tan ay sangkot sa maanomalyang proyekto ng DPWH sa Quezon Province partikular sa bagong ginawang kalsada na hindi nabuksan para sa public use subalit agad nasira nang may dumaang bagyo.

Magugunitang ang mister ni Tan na si DPWH regional director Engr. Ronnel Tan ay inireklamo ni Quezon councilor Arkie Manuel Yulde ng administratibo at kriminal dahil sa pagpapaagaw umano ng pera sa isang party na aabot sa P2  milyon hanggang P3 milyon ang halaga.

Inakusahan naman si Sato ng pagkakaroon ng ghost projects at paggamit sa isang district engineer bilang umano’y bag man.

Si Baguilat ay tumanggap naman umano ng kickback mula sa mga construction projects sa pakikipagkutsabahan kay dating district engineer Lorna Ricardo.

Isang milyong pisong enrollment fee naman umano ang hinihingi ni  Quezon City Rep. Alfred Vargas, maliban pa sa 10 and 12 percent na “SOP.”

May-ari naman umano si Oaminal ng isang construction company at marami siyang  construction projects bilang mambabatas sa kanyang probinsiya. Ganundin ang alegasyon kay Isabela Rep. Alyssa Sheena Tan.

Si Daza naman umano ang siyang nagtatakda kung sino ang winning bidders sa kanyang distrito at tumatangap ng  20 to 25 percent na kickback mula sa mga contractors.

Minamanipula naman umano ni Yap ang bidding habang si Roman naman diumano ay humingi ng  10 percent kickback sa lahat ng DPWH na proyekto sa kanyang distrito.

Read more...