PUMANAW na ang asawa ng OPM veteran singer na si Ray-An Fuentes na si Mei-Ling matapos makipaglaban sa COVID-19. Siya ay 68 years old.
Ibinahagi ni Ray-An (nagpasikat sa classic OPM hit na Umagang Kay Ganda) ang malungkot na balita sa publiko kagabi sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Ayon sa beteranong singer na naka-base na ngayon sa Canada, nakaligtas siya sa killer virus, ngunit hindi ang kanyang mahal na kabiyak.
“MY SWEETIE HAS GONE HOME! FOR GOOD. At 4:15pm.
April 8, 1952 – December 27, 2020.
“We finally just had to release her to the Lord because the other possible reality is brain damage. We didn’t want her to suffer anymore.
I AM SOOO HEARTBROKEN. THIS IS SOOO PAINFUL,” ang bahagi ng Facebook post ng singer.
Pagpapatuloy pa niya, “Many many thanks to EVERYONE for your earnest and steadfast intercession. We are truly grateful!”
Kuwento pa niya, pinayagan silang mabisita si Mei-Ling sa hospital room nito bago mamaalam ang asawa kaya kahit paano’y nabawasan ang matinding lungkot at pangungulila na nararamdaman nila.
“My sons and daughter sang this at her bedside:
You give and take away
You give and take away
My heart will choose to say
Lord, blessed be Your name
(That was a tough one to type after the fact).”
Nauna rito, ibinalita ni Ray-Ann sa publiko noong unang linggo ng Disyembre na tinamaan silang mag-asawa ng COVID pati ang kanilang mga anak na sina Daniella, Miguel, at Julio.
Parehong na-confine sa ICU ng isang ospital sina Ray-An at Mei-Ling hanggang sa bumuti na ang kundisyon ng singer at ma-discharge nga nito lang Dec. 20, habang ang misis niya ay nanatiling nasa ICU dahil nagkaroon na ito ng kumplikasyon.
Nitong nakaraang Dec. 25 ipinagdiwang pa rin ng kanilang pamilya ang Pasko kahit hindi kapiling si Mei-Ling at iisa lamang ang kanilang Christmas wish, ang bumuti na ang kalagayan ng ginang.
“Y’all have a merry Christmas this year. If you’re with your loved ones, really celebrate their presence. That’s a huge blessing.
“But the Fuentes’ fam is not going to have a ‘merry’ Christmas this year. Never entered our minds that it would be like this this year… Though our hearts are aching, Jesus is still the reason for the season,” ang caption ni Ray-An sa kanilang family photo na ipinost niya sa FB.