Isabelle Daza rumesbak sa basher na nagsabing beki ang panganay na anak

SUPALPAL kay Isabelle Daza ang isang netizen na nam-bully sa kanyang 2-year-old na anak sa social media.

Diretsahang sinabihan ng basher na bading ang panganay ni Isabelle at ng asawa niyang French businessman na si Adrien Semblat.

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ng TV host-actress ang screenshot ng pakikipagsagutan niya sa basher. Aniya sa caption, “Some people need to be educated.”

Nagsimula ito nang mag-send ang netizen kay Isabelle ng dati niyang Instagram Story post kung saan makikita sa litrato ang kamay ng kanyang anak na gumagawa ng Christmas card.

Ang walang awang sey ng basher sa bata, “He’s a gay???? What a disgrace.” Na ang tinutukoy ay ang paggawa nga ng bagets ng Christmas card kasama ang kanyang mommy.

Gusto nitong palabasin na hindi gawain ng mga lalaki ang paggawa ng mga card.

Bwelta naman sa kanya ni Isabelle, “Im sad for your family who has to put up with your values.”

Sumagot uli ang basher ng, “Try to base it biblically… don’t tolerate your kid to be something that he is not supposed to be.

“You just feel bad. I get it but come on. I have a point. Truth hurts anyway [laughing faces with tears emojis],” pang-aasar pa ng netizen.

Hindi pa rin ito pinalampas ni Isabelle at niresbakan ang hater ng,  “If my son was gay it wouldn’t make a difference. And im pretty sure God wouldn’t mind either. [rainbow emoji].”

Ang rainbow emoji ay sumisimbolo sa lesbian, gay, bisexual, transgender, questioning o LGTBQ community.

Nasa Hong Kong pa rin hanggang ngayon si Isabelle kasama ang pamilya. Six months na siyang buntis ngayon sa second baby nila ni Adrien.

Read more...