2020 level-up love story ng mga star: 'Will you marry me?' Yes na yes! | Bandera

2020 level-up love story ng mga star: ‘Will you marry me?’ Yes na yes!

Ervin Santiago - December 27, 2020 - 01:44 PM

SA gitna ng patuloy na banta ng  pandemya at sa sunud-sunod na kalamidad at iba pang pagsubok na hinarap ng Pilipinas ngayong 2020, hindi pa rin nagpapigil ang ilang celebrities sa pag-level up ng kanilang lovelife.

Narito ang ilang kilalang personalidad na bumandera ang engagement ngayong taon. Ang ilan nga sa kanila ay nagdesisyon na huwag munang ituloy ang kanilang naka-schedule na kasal dahil sa COVID-19 pandemic.

KRIS BERNAL & PERRY CHOI

Nag-propose kay Kris Bernal ang longtime boyfriend niyang chef-businessman na si Perry Choi noong February sa mismong birthday niya. Tatlong taon na rin silang magkarelasyon pero kinailangan nga muna nilang i-postpone ang wedding dahil sa pandemya.

MO TWISTER & ANGELIKA SCHMEING

Nitong nagdaang Mayo, sinorpresa ng host at disc jockey na si Mo Twister ang longtime partner niyang si Angelika Schmeing na isa ring DJ. Nag-propose kasi si DJ Mo sa isang episode ng podcast show niyang “Good Times With Mo” kung saan nakipagkuntsaba pa siya sa kanyang producer para magpanggap na caller at tulungan siya sa kanyang proposal.

Limang taon na ring nagsasama ang dalawa at biniyayaan ng isang anak na babae, si Amsterdam.

LAURA LEHMANN & VON PESSUMAL

Last May din ibinandera nina Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann at San Miguel guard Von Pessumal ang kanilang engagement matapos ang limang taong pagde-date. Ayon kay Laura, una silang nagkita ni Von noong naglalaro pa ito para sa Ateneo Blue Eagles habang siya naman ay nagsilbing courtside reporter para sa Season 77 at 78 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

MARK HERRAS & NICOLE DONESA

Masayang inihayag ni Mark Herras noong Hunyo na engaged na sila ng beauty queen at kapwa Kapuso star na si Nicole Donesa. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang magandang balita kalakip ang engagement photo nila. Aniya sa caption, “Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay… Love you itchybear.” Malapit na rin silang maging parents sa panganay nilang anak.

RITZ AZUL & ALLAN GUWI

“Yes!” ang agad na sagot ng Kapamilya actress na si Ritz Azul nang yayain siyang magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Allan Guwi. Nag-propose ang lalaki sa isang napakagandang farm sa Batangas last June.
“Magical” kung ilarawan ng dalaga ang naganap na proposal, “Umuulan pa pero nung moment na magpopropose na  nag-clear ang langit at kita pa ang bundok. Pagkatapos niyang magpropose, umulan ulit.”

MELISSA RICKS & MICHAEL MACATANGAY

Hindi napigilan ng aktres na si Melissa Ricks ang maiyak nang mag-propose sa kanya ang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay nitong nagdaang Agosto. Naganap ang engagement nila sa Batangas na sinaksihan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa isang simbahan din sa Rosario, Batangas niya nakilala si Michael na talagang ipinagdasal daw niya kay Lord. May anak na si Melissa sa dating non-showbiz partner na si Charles Togezaki na pinangalanan niyang Keira.

EMPRESS & VINO GUINGONA

Sa mismong 5th birthday party ng anak nilang si Athalia last September niyayang magpakasal si Empress Shuck ng partner niyang si Vino Guingona. Si Vino ay apo ni former Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni Sen. Teofisto Guingona III.

“And so this day has become even more special. It’s not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention. Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way. Thank you to my siblings for helping Vino arrange this, to my parents’ blessing,” pahayag ni Empress sa kanyang Instagram post.

MELISSA GOHING & ROCCO NACINO

After more than three years of being together as a couple, nag-propose na rin si Rocco Nacino sa GF niyang volleyball player na si Melissa Gohing last month. Nag-effort talaga ang Kapuso actor para mas maging memorable ang kanyang proposal na ginanap malapit sa Hinulugang Taktak sa Antipolo City.

Mensahe ng future wifey ni Rocco, “It still feels surreal when I woke up. It was a dream come true! Walking along while my favorite Christian song was played by wonderful friends in saxophone & guitar, sunset proposal designed by one of the best, Zoom watch party with all of our friends, teammates, coaches & families, covered by one of the best, and a dinner with both of our immediate families.

“But mostly, the man that I prayed for a long time proposed to me with my dream ring. May God be the center of our lives always.”

TRINA ‘HOPIA’ LEGASPI & RYAN JARINA

Ang dating child star at member ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na si Trina “Hopia” Legaspi ay ikakasal na rin matapos ma-engage sa boyfriend niyang si Ryan Jarina nito ring November. Naganap ang proposal sa isang barbershop sa Bonifacio Global City after six years ng pagiging magdyowa.

“Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! I can’t wait to marry my first and only love. 11/22/20 6 years together and forever!” post ni Hopia sa IG.

JESSY MENDIOLA & LUIS MANZANO

Nabahiran naman ng kontrobersya ang engagement nina Jessy Mendiola at Luis Manzano matapos nila itong isapubliko last Dec. 12. October pa raw nag-propose ang TV host kay Jessy pero ngayon lang nila ito in-announce kasunod ng pang-ookray at pamba-bash ng mga haters. Pati nga ang engagement ring na suot ni Jessy ay naintriga rin dahil sa issue kung sino ang tunay na nag-design nito.

“Sana hayaan niyo na lang kami maging masaya without bashing us or without spreading hate. E, sino ba naman ako para humingi ng favor sa mga bashers or sa mga nega? I just want everybody to be happy including this person who ruined the proposal,” pakiusap ng future Mrs. Luis Manzano.

ANDI EIGENMANN & PHILMAR ALIPAYO 

Isa sa mga kinakiligan at pinusuan ng sandamakmak na netizens ay ang simpleng proposal ni Philmar kay Andi nito lang Dec. 20. Napa-wow pa ang madlang pipol sa engagement shoot nila na kinunan sa ilalim ng dagat. May isang anak na ang engaged couple, si Lilo at very soon ay isisilang na ang second baby nila.

“It would’ve been okay regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere,” ayon sa celebrity mom.

GLAIZA DE CASTRO & DAVID RAINEY

Natanggap ng Kapuso singer-actress ang sorpresang Christmas gift mula sa kanyang Irish boyfriend ilang oras bago sumapit ang Pasko nang bigla itong mag-propose sa kanya. Nasa Ireland ngayon ang dalaga kasama si David at ang pamilya nito.

“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather…it just felt right,” ang caption ng dalaga sa mga engagement photo nila ng kanyang fiancé.

MORISSETTE AMON & DAVE LAMAR 

Ilang buwan nang engaged sina Morissette at Dave pero nito lamang Dec. 22 nila in-announce na ikakasal na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nine years since we’ve met, best friends for seven, our second round at love, each other’s firsts… and now, last and only. Thank you, Lord, for all that you’re blessing us with, keeping us strong, and allowing us to live our dreams together. Our love story is great because You orchestrated it, and we’re so excited for this next chapter of our lives,” pahayag ni Mori.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending