Anak ni Yasmien Kurdi kapatid ang hiniling na Christmas gift | Bandera

Anak ni Yasmien Kurdi kapatid ang hiniling na Christmas gift

Ervin Santiago - December 27, 2020 - 09:23 AM

BAGONG baby ang gusto sanang matanggap na Christmas gift ng anak nina Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla na si Ayesha.

Ayon sa Kapuso actress, hindi raw materyal na bagay ang hiling sa kanila ng nag-iisang anak ngayong Pasko kundi isang kapatid. Matagal na raw kasing gustong magkaroon ng baby brother or sister si Ayesha.

Siyempre, gustuhin man nina Yasmien na tuparin ang wish ng bagets ay hindi pa ito posibleng mangyari anytime soon, lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng pandemya.

Ipinaliwanag din ito ng Kapuso actress sa anak para alam ng bata kung bakit hindi pa niya maaaring matanggap ang inaasam na Christmas gift.

Pero may naisip na paraan si Yasmien para kahit paano’y mapasaya si Ayesha ngayong holiday season. Niregaluhan nila ang anak ng bagong pet dog — si Casper.

“For a short span of time, iba ‘yung saya na ibinigay sa amin ni Casper. Kaya naman ikaw ang star nitong Pasko,” ang chika ni Rey sa isang vlog ni Yasmien.

Samantala, aminado rin si Yasmien na naging super challenging din ang taong 2020 para sa kanilang pamilya at napakarami rin niyang naging realizations sa buhay.

Isa rin siya sa mga taga-showbiz na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 dahil natigil ang mga taping para sa mga teleserye at iba pang programa ng GMA.

Bukod dito, nabawasan naman ang flights ng asawang si Rey na isang piloto para sa isang commercial airline.

Pero mas gusto pa ring bilangin ng mag-asawa ang mga blessings na dumarating sa kanila kesa pagtuunan ng pansin ang mga negatibong bagay.

“Na-realize ko, itong 2020, parang hindi mo na kailangan isipin na kailangan mong kumita ng napakalaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang pinakaomportante ngayon is ma-survive mo itong 2020. Kahit enough lang ‘yung kitahin mo, basta ma-survive mo na safe ka with your family and loved ones,” ani Yasmien sa panayam ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending