Jennylyn, Maine, Markki suportado ang kapwa negosyante; Quaranegosyo regalo ng Signarama sa biktima ng pandemya

NAPAKARAMING nagsulputang bagong negosyo ngayong panahon ng pandemya, kabilang na riyan ang mga online business ng mga kilalang celebrities.

Nang dahil nga sa pagtigil ng mga shooting at taping sa mundo ng pelikula at telebisyon, napilitan na ring magnegosyo ang mga artista para kahit paano’y magkaroon sila ng pinagkakakitaan.

Pero kung may isang positibo at inspiring na resulta sa mundo ng pagnenegosyo ang pandemya sa Pilipinas, yan ay ang pagtutulungan sa isa’t isa ng mga artista para kahit paano’y kumita habang wala pang kasiguruhan sa mundo ng showbiz.

Tulad na lang nina Maine Mendoza, Alex Gonzaga, Jane de Leon, Moira dela Torre, Markki Stroem, Gretchen Ho, Jennylyn Mercado at marami pang iba na hindi nagdamot ng suporta para sa ilang batang negosyante na malaki ang naitutulong sa ekonomiya sa kabila ng health crisis.

Isa na riyan ang Signarama Philippines na sinasabing “largest sign franchise in the world” with over 800 locations in 64 countries. At dahil na rin sa tulong ng mga artistang sumusuporta sa kanila, mas nakilala pa ang kanilang mga produkto at serbisyo.

At dahil nga riyan, naisipan nilang mag-gives back sa madlang pipol sa pamamagitan ng “Quaranegosyo” para sa mga budding entrepreneurs.

Sabi nga ng mga nasa likod ng kumpanya, “Signs are what business owners need to communicate messages and silently seed their brands in potential customers’ minds.”

At yan ang pinanghahawakang epektibong marketing strategy ni Willie Que, ang ama ng Signarama Philippines President na si Wesley Que.

“When Signarama came to one of the franchise shows, we decided it would be the perfect opportunity to boost our brand,” says Wesley who expressed pride in partnering with the international brand representing 80% of the global franchised sign business.

Signarama has been around and operating for more than 34 years, “We decided to take the Master Franchise License for the whole Philippines and believe that this would take us to that next level of growth.”

Wesley worked as General Manager in the family’s Signarama franchise when it started in 2014 and took on the role as President in 2018. His heart, from the start, has been after helping businesses grow through signs.

May tatlong sangay na ngayon ang kanilang kumpanya — ang Signarama Corporate, Signarama Home Business at Signarama Personalized.

“As we provide top-quality, worry-free, and comprehensive sign solutions to customers, our target market’s range has grown from contractors to interior designers,” aniya pa kung saan hindi lang mga building ID, graphics, displays, signage repairs ang ginagawa nila kundi pati na rin mga video shoot props to neon signs, canvas prints, at face shields.

At nito ngang pandemic, ilang mga kilalang celebrities nga ang nag-endorse ng kanilang personalized face shields.

Kuwento nga ni Markki nang nakachikahan namin sa mediacon ng Signarama, talagang matindi ang impluwensiya ng mga artista pagdating sa pagma-market ng isang produkto.

Bukod kay Markki, pumirma rin ng kontrata bilang brand ambassador ni Wesley si Dan Delgado (BidaMan finalist) at ang baguhang singer na si Janica Reloxe.

Samantala, going back sa pagsuporta nila sa mga kapwa business owners, Wesley announced the Quaranegosyo program (in partnership with The Narrative) specifically aimed at people who have been laid off during the pandemic, those whose businesses have slowed down or stopped, and others who have started a business during this season.

“Quaranegosyo is Signarama Philippines’ simple way of giving hope to and rewarding the hard work of a deserving kababayan,” ani Wesley kung saan P100,000 worth of cash and signages ang maaaring mapanalunan ng maswerteng participant.

Narito ang promo details:
Interested participants must have:
Started own business during the pandemic (validity begins April 2020)
Experienced one of the following
Retrenchment / job loss
Reduced work schedule
Closing down of business
How to join:
Submit a testimonial video (maximum of 3 minutes) with the following elements
Previous occupation / business
How it was affected by the pandemic
How it affected you and your family
Why you chose to start your business
How the business was conceptualized
Current state of business
Entries must be sent to quaranegosyo@signarama.com.ph.

Deadline for submission is Jan. 31, 2021.

Read more...