Pagkatapos ng isang taong tampuhan, KC may sorpresa kay Sharon ngayong Noche Buena
Hindi ini-expect ni Sharon Cuneta-Pangilinan na darating sa bahay nila ang panganay niyang anak na si KC Concepcion nitong bisperas ng Pasko.
Isa-isang kinukunan ng Megastar ang mga handa nila sa dining table ng banggitin ni Senator Kiko Pangilinan na may dalang Turkey si KC at sabay bati ng dalaga ng, “Hi Mom.”
“Oh, hi,” tanging nasabi ni Shawie ng makita ang anak at sabay halik.
Makikita mong nag-iba ang sigla ng mag-ina sa kanilang pagkikita. “Christmas Eve 2020. And a nice surprise,” ito ang caption ni Sharon.
Maaalalang matagal nang may tampuhan ang mag-ina.
Sinalubong din si KC ng fur babies ni Sharon na galak na galak nang makita siya, “Furbabies with Big Ate (KC).”
View this post on Instagram
Pagkatapos ng masayang Noche Buena ay isa-isa nang binubuksan nina Frankie, Miel at Miguel ang kanilang mga regalo habang bini-bidyo ni Sharon ang kabuuan ng bahay nila, ang mga regalong nasa Christmas tree, pati mga sulat ng mga anak kay Santa Claus.
At dahil sa rami ng laruang natanggap ni Miguel, “Wala na po kaming sala, na take-over na ng bunso,” say ng mama Shawie nito.
Napansin ni KC na malaki ang ipinayat ng ina, “Yes, got to work before I retire,” saad ng ina.
Dagdag pa, “Merry Christmas everybody, so pumayat ako kasi I get back to work before I retire.”
At ikinuwento ni Sharon na ngayon lang sila nagkita ng pananay niya. “It’s a nice Christmas, God has been so good. The last time I saw KC before tonight was exactly 1 year ago, Christmas eve last year and so she came and surprised us (sabay lingon kay KC), she’s there taking videos. It’s a happy Christmas.”
Ang gaganda ng mga larawang pinost ni Sharon sa kanyang Instagram dahil kumpleto silang pamilya.
Gayun din ang kasiyahan ng dalaga dahil pinost niya ang larawan nila ng ina at throwback pictures nila noong bata pa siya sa IG account niya na ang caption,“A quiet, peaceful and heartfelt Christmas with my Queen. Merry Christmas, loves!”
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.