Production staff ng ‘Dito at Doon’ inisip na maarte si Janine dahil tisay, pero…

(Mula sa kaliwa) Director JP Habac, Janine Gutierrez and JC Santos (nstagram/@j.c.santos)

Puring-puri ng buong production staff ng pelikulang “Dito at Doon” ang dalawang bidang sina Janine Gutierrez at JC Santos dahil napaka-smooth ng shooting nila na resulta na rin umano ng pagiging magaling nila, walang arte sa set at higit sa lahat, mababait.

Inisip nga raw ng taga-production na maarte at si Janine kasi nga tisay pero ang totoo pala ay napaka-down to earth.

Kaya naman puring-puri ni JC sa kanyang post sa Instagram ang kanyang leading lady na bukod sa magaling na ay super mababit.

“Thank you so much @tbastudiosph for choosing me to be part of this special project. This beautiful journey taught me a lot of great things and because of that, I will be forever grateful.

2. Direk @jphabac , “thank you, thank you, thank you at naisama mo ako sa proyektong mo na to. Nakikita ko na marami ka pa magagawang pelikula at sana kasama pa rin ako lagi sa lahat ng iyon!

3. Ang isa sa pinakapaborito kong aktres! @janinegutierrez , ang hirap ng pelikula natin na ‘to pero naging magaan ang lahat ng proseso dahil ikaw ang kaeksena ko. Salamat sa iyong generosity at openness! This is our second time working together at sana marami pa tayo magawang magagandang pelikula mahirap man o madali. Break a leg sa mga susunod mo pang projects. Hanggang sa susunod na pagkukwento. Good work, kapatid.

(DESERVE NIYA ANG GAWAD URIAN AT FAMAS BEST ACTRESS!

4. Kung mayroon lang award sa best team! Hay nako! Sa buong team na pinangungunahan ni @palasyonidaphne @omardarling @lexterfavor at Ate @akstobias, maraming maraming salamat sa kabaitan at swabeng paglalakbay! Hanggang sa muli!

#DITOatDOON COMING SOON!

Ang sagot naman ni Janine kay JC, “Cheysee!!!! Salamat. Sobrang dami kong natutunan sa’yo at tama ang matagal ko nang wish na makapareha ka sa pelikula. Iba ka! Thank you for everything, pati sa pag-coach ng s2pid luv. Haha had the best time with you and I’m a fan forever. Hanggang sa uulitin ha!”

Maganda ang kuwento ng “Dito at Doon,” nabuong pagmamahalan sa panahon ng pandemya pero may ibang twist na ginawa si Direk JP Haboc na tatatak sa manonood.

Ang “Dito at Doon” ay handog ng TBA Studios at abangan sa 2021.

Read more...