Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakukuhang ranking in terms of tickets selling sa ginaganap na Metro Manila Film Festival 2020.
Pero base sa mga nababasa naming komento sa Twitter ay puring-puri nila si Charlie Dizon sa pelikulang “Fan Girl.” Posibleng masungkit nito ang Best Actress award sa MMFF Gabi ng Parangal na gaganapin sa Linggo, Disyembre 27. Ang frontal nudity naman ni Paulo Avelino sa pelikulang ito ay pinag-uusapan din ng netizens.
Pinuri naman si Direk Easy Ferrer dahil ang husay daw niyang manakot sa pelikulang “The Missing” nina Ritz Azul, Miles Ocampo at Joseph Marco.
Pero mukhang mas mainit na pinag-uusapan ng mga nakapanood ang “The Boy foretold by the Stars” dahil ang sipag nilang mag-tweet at magsabi ng mga naramdaman nila pagkatapos nilang mapanood ang pelikula nina Adrian Lindayag at Keann Johnson na idinirek ni Dolly Dulu.
Ang ilan sa mga nabasa namin ay ang mga sumusunod:
Ayon kay @mspainteilyn, “#TheBoyForetoldByTheStars huhuhu ang ganda at ang galing-galing ninyo @adrianlindayag. Walang halong echos! Ang ganda nu’ng ilaw at ‘yung paggamit sa mga kandila as main source ng warm light. Alsoooo super kilig sa inyo ni Luke (Keann Johnson). Please watch and support this lovely film.
Mula kay @Leiffy, “ang dami-dami ko gustong sabihin pero now ang masasabi ko lang, ang husay-husay ninyo @adrianlindayag at @TheKeannEffect. Thank you for this direk @dulutodoily.”
@Morenhoe, “Still can’t get over that genius ending #TheBoyForetoldByTheStars.”
“#TheBoyForetoldByTheStarsm grabe! Ang powerful ng story. Kudos sa writers and director. Napakahusay ng actors. Thank you for the Christmas gift” mula kay @onad03.
Dagdag pa ni @onad03, “It’s not the destiny that led you together, it’s your hearts that led you together.” #TheBoyForetoldByTheStars. I just can’t get over it. You don’t know how much it made me realize things.”
Say ni @enstamayo, “Wait di ako prepared. Ang ganda. Sulit. Wala po bang part2? #TheBoyForetoldByTheStars.
Nag-post naman ng larawang magkatabi sina Dominic (Adrian) at Keann (Luke) si @reactaccount, “favorite scene in the movie. I hope they get to have a follow-up, a series or a part 2 maybe?”
@MyPhBoysLove, #TheBoyForetoldByTheStars, “Thank you @clevermindsinc for this beautiful story that depicts brave young gay kids…confused. Yes, but brave. I envy the younger gay kids out there who can look up to Luke and Dominic as role models.”
At gusto na ring magpahula kay Baby R (Iyah Mina) ni @enstamayo, “Naniniwala rin ba kayo sa destiny? Taray na kay Baby R at magpahula na rin.”
“The Boy Foretold by the Stars is SWEET and ENDEARING. #MFF2020 #UpstreamPH #TheBoyForetoldByTheStars, sabi naman ni @joanvillaceran.
@djombao, “hindi ako tumitigil sa kakaiyak, ang ganda. Kwento natin ‘to. #TheBoyForetoldByTheStars.”
Sabi rin ni @Dionel #StoptheKillingsPH, “I’m telling you #TheBoyForetoldByTheStars is not just your typical BL-themed movie, this is the REAL story of every gay guy especially for us, effems-kuwento natin ‘to. Isa itong realidad ng makulay na rampa ng sangkabaklaan kaya nood na! #LoveWinsThisChristimas.
“Sa loob ng mahabang panahon, pinagkaitan ng proper representation ang LGBTQIA+ sa entertainment industry, that’s why this is a huge win para sa atin. This is what you get when you cast real queer actors, proper representation.”
@ianbanana, “And hello, speaking of a femme queer character played by a femme queen actor? The kabog. Palakpak at pagpupugay po para kay @adrianlindayag! #TheBoyForetoldByTheStars.
@iamKENNYROY, “hayop na piso ‘yan! Fuck it! Ang ganda ng movie! #TheBoyForetoldByTheStars.
“Roller coaster ride ‘yung mga eksena sa buhay ni Dominic. And I must say, @adrianlindayag was destined for the role. Galing niya. And also @TheKeannEffect perfect siya to be Luke. Tama lang din na ito napili ko unang panoorin. Tama ang hula, NAPAKAGANDA! #TheBoyForetoldByTheStars”
At sobrang dami pa na hindi na namin sinulat lahat dahil baka bukas pa kami matapos kung iisa-isahin namin.
Sa rami ng magagandang komentong nabasa namin at binabati na rin nga ang buong TEAM ng “The Boy Foretold by the Stars” ay panalo na, lalo na’t nakakuha pa ng 12 nominasyon ito. Ayon kay direk Dolly ay hindi siya nage-expect ng award pero kung manalo, sobrang malaking bonus na iyon para sa kanilang lahat na ang tanging hangad lang ay maikuwento ang mga pinagdaanan ng high school students na kagaya nina Dominic at Luke.