Para kay Kapuso Actress Heart Evangelista, ang lowest point na maiututuring niya sa kanyang buhay ay nangyari noong Pebrero 14, 2019.
Ang masaklap nito, nagdiriwang siya ng ika-34 na taong kaarawan sa araw na iyon.
“It was my birthday last year… everything was perfect but my mind was fighting with my soul 🙁 it felt like angels and demons were fighting over my existence,” wika ni Heart sa kanyang Instagram story noong Huwebes.
“This was my hardest battle with anxiety and nobody knew,” dagdag pa ng aktres.
Ang rebelasyong ito ay bilang tugon sa request ng isang Instagram follower na mag-post si Heart ng isang larawan nagpapakita ng kanyang “Lowest point but no one really knows.”
Sinabi ni Heat na nagsimula ang kanyang pakikipaglaban sa depresyon magmula noong siya ay makunan sa kambal nila ng kabiyak na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero noong 2018.
Umabot umano sa halos tatlong buwan, mula Nobyembre 2019 hanggang Pebrero 2020, mood disorder na ito.
Pero sinabi ni Heart noong Setyembre na ang pinagdaanan niyang ito ay lalong nagpalakas sa kanya, bagay na mahalaga lalupa ngayong panahon ng pandemya.