Operasyon ng Pasig River Ferry suspendido ngayong Kapaskuhan

Suspendido sa loob ng tatlong araw ang biyahe ng Pasig River Ferry para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), walang biyahe ang River Ferry ngayong Pasko, (Disyembre 25), bisperas ng Bagong Taon (Disyembre 31) at sa Bagong Taon (Enero 1).

Sa Disyembre 26 hanggang Disyembre 30 ay normal ang operasyon ng River Ferry.

Balik din ito sa normal na operasyon sa Enero 2, 2021.

Read more...