6.3 na lindol hindi lilikha ng tsunami, ayon kay Solidum

Hindi lilikha ng tsunami ang 6.3 magnitude na lindol na tumama sa karagatan malapit sa baybayin ng bayan ng Calatagan sa Batangas.

Ito ang siniguro ni Renato Solidum, hepe ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, kaugnay sa malakas na pagyanig na naganap kaninang 7:43 ng umaga.

“Iyong lindol kanina, 7:43 nang umaga, may magnitude 6.3 ito pero ito ay malalim, mga 74 kilometers,” wika ni Solidum sa panayam ng dzBB.

“Pero dahil sa lalim niyan wala po dapat ipangamba na tsunami,” dagdag ni Solidum.

Sa tala ng Phivolcs, sumentro ang lindol may 11 kilometro sa timog-kanluran ng Calatagan at may lalim na 102 kilometro.

Sinabi ni Solidum na ang  Manila Trench ang pinagmulan ng pagyanig.

“Kapag ganito ay pagsubsob ng West Philippine Sea sa Manila Trench. Manila Trench, ang earthquake generator, na madalas magdulot ng malalim na lindol sa Batangas,” paliwanag pa niya.

https://bandera.inquirer.net/272957/luzon-niyanig-ng-6-3-magnitude-na-lindol

Read more...