Luzon niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ngayong Pasko

Phivolcs

 

Niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang malaking bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila, ngayong umaga ng Biyernes, araw ng Pasko.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang sentro ng pagyanig may 11 kilometro sa timog-kanluran ng bayan ng Calatagan sa Batangas.

Walang kagyat na naiulat na pinsala o nasaktan sa lindol na naitala sa ganap na 7:43 ng umaga at  may lalim na 102 kilometro.

Naramdaman ito sa iba’t ibang lakas sa mga sumusunod na lugar:

REPORTED INTENSITIES

Intensity IV – Lemery, and Malvar, Batangas; San Pedro, Laguna; City of Manila; Marikina City; Quezon City; Cainta and Antipolo City, Rizal; Pasig City
Intensity III – Caloocan City; Tanay, Rizal; San Jose Del Monte City, and Plaridel, Bulacan; Gapan City, Nueva Ecija; Cabangan and Iba, Zambales; Samal,
Bataan; Valenzuela City; Malabon City
Intensity II – San Isidro, Nueva Ecija; Alaminos City, Pangasinan

INSTRUMENTAL INTENSITIES

Intensity IV – Bacoor City; Tagaytay City; Carmona, Cavite; Plaridel, Calumpit, San Ildefonso, San Rafael, and Malolos, Bulacan; Guagua, Pampanga; Puerto
Galera, Oriental Mindoro; Las Pinas City
Intensity III – Talisay, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Dagupan City; Quezon City; Pasig City; Muntinlupa City; Marikina City; Cabanatuan City
Intensity II – Roxas, Oriental Mindoro; Lucban, Quezon; Baler, Aurora; Palayan City
Intensity I – San Jose, Nueva Ecija; Gumaca, Lopez and Lucena City, Quezon

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa tinaguriang Pacific “Ring of Fire” kung saan ang continental plates ay nagkikiskisan na lumilikha ng madalas na pagyanig at pag-aalburuto ng bulkan.

Read more...