‘The Boy Foretold by the Stars’ umani ng nominasyon sa MMFF 2020

Ang saya-saya ng buong cast ng “The Boy Foretold by the Stars” headed by Adrian Lindayag, Keann Johnson at Direk Dolly Dulu kasama ang Clever Minds producers na sina Direk Derick Cabrido, Omar P. Sortijas at Jodi Sta. Maria (nasa Amerika) dahil nakakuha sila ng 12 nominations sa upcoming Gabi Ng Parangal thru virtual sa Disyembre 27, Linggo.

Bukas, Disyembre 25 pa lang mapapanood ang 10 pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 thru UPSTREAM.ph kaya may ideya na ang mga manonood kung anu-anong mga pelikula ang uunahin nila dahil sa inilabas na nominasyon ng chairman ng jury na si Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Base sa tsikahan nina Chairman Nograles at MMFF Spokesperson na si Noel Ferrer sa kanilang Facebook Live  kaninang tanghali ay inabot ng walong oras ang deliberasyon ng mga hurado na hinimay-himay ang bawa’t pelikulang kasama sa festival.

Anyway, ang mga nakuhang nominasyon ng “The Boy Foretold by the Stars” ay ang Best Film, Best Director, Best Actor, Best Screenplay, Best Supporting Actor, Best Production Design, Best Theme Song, Best Sound, Gender Sensitivity, Best Cinematography, Best Musical Score at Gat Puno Memorial Award.

Hindi naman makapaniwala si Adrian Lindayag dahil unang pelikula niya ang “The Boy Foretold by the Stars” na sinuwerteng mapasama sa Metro Manila Film Festival at heto nominado siya sa kategoryang Best Actor kasama nina John Arcilla, Paulo Avelino at Phillip Salvador.

Gayun din si Jan Leighnard Ramos na best friend ni Adrian sa pelikula ay nominado bilang Best Supporting Actor.

Anyway, narito ang kumpletong listahan para sa MMFF 2020 nominees

BEST PICTURE:

The Boy Foretold by The Stars

BEST DIRECTOR:

BEST ACTRESS:

BEST ACTOR:

BEST SUPPORTING ACTRESS:

BEST SUPPORTING ACTOR:

BEST CHILD PERFORMER:

BEST SCREENPLAY:

GENDER SENSITIVITY AWARD:

GATPUNO ANTONIO J. VILLEGAS CULTURAL AWARD:

FPJ MEMORIAL AWARD:

BEST CINEMATOGRAPHY:

BEST SOUND:

BEST ORIGINAL THEME SONG:

BEST EDITING:

BEST MUSICAL SCORE:

BEST PRODUCTION DESIGN:

BEST VISUAL EFFECTS:

Read more...