Kasal na nga ba si Eugene Domingo sa kanyang Italian boyfriend?

KASAL na nga ba ang Kapuso TV host-actress na si Eugene Domingo sa kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni?

Yan ang usap-usapan ngayon ng ilang showbiz insiders matapos mag-post ng dalawang copper rings si Uge sa kanyang Instagram account nitong nagdaang Linggo.

Bumuhos ang pagbati mula sa mga netizens para sa “Dear Uge” star nang makita nila ang tila mga wedding ring na nasa IG post ng TV host-comedienne.

Anila, masaya sila para kay Uge dahil finally ay natagpuan na niya ang kanyang “the one.”

Matagal nang magkarelasyon sina Eugene at Danilo na isang kilalang film critic, kaya marami ang naniniwala na ikinasal na ang dalawa.

At karamihan nga sa IG followers ni Uge ay puro “best wishes” at “congratulations” ang naging komento sa post niya.

Hindi naman kasi nagbigay ng detalye si Uge tungkol sa mga singsing, nag-thank you lang siya Blue Fame Handcrafted na siyang gumawa ng nasabing handcrafted rings.

Anyway, very obvious naman na super happy ngayon ang komedyana sa kanyang lovelife, patunay diyan ang mga sweet photos nila ni Danilo sa Instagram na kuha mula sa kanilang pagta-travel sa iba’t ibang bansa.

Kung matatandaan, sinabi ni Eugene sa isang interview na simple at intimate lang ang kanyang ideal wedding.

“It’s very simple, it’s very small, it’s very fast. Church wedding, yes, sa maliit lang na old chapel,” pahayag ng Kapuso host-actress.

Read more...