NAPAPANOOD namin tuwing Sabado ng gabi ang “Masked Singer Pilipinas” ng TV5 hosted by Billy Crawford.
In fairness, nakakaaliw at nakaka-good vibes naman talaga ang programa lalo na kapag tatanggalin na ng celebrity contestant ang kanilang maskara sa huling bahagi ng bawat episode.
At tulad namin, may bahid din ng kalungkutan ang iba pang sumusubaybay sa “MSP” dahil magaganap na sa Sabado, Dec. 26, ang grand finals nito.
Sa nakaraang virtual mediacon ng TV5 at Viva Entertainment para sa finale episode ng “Masked Singer Pilipinas” inamin ni Billy na mami-miss niya nang bonggang-bongga ang mga kasamahan niya sa show, lalo na ang mga judge detectives.
Ang tinutukoy ng TV host-singer ay ang mga nanghuhula kung sinu-sino ang nagpe-perform sa “MSP” stage every episode — sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli at Kim Molina.
Sabi ni Billy, isa sa mga tumatak na payo sa kanya ni Aga kapag nagkakakuwentuhan sila sa set ng “MSP” ay ang tungkol sa pagiging responsableng magulang sa anak nila ni Coleen Garcia.
“Yung payo ng nag-iisang Boss Aga is hindi masyadong ganoon kaistrikto, hindi na kailangang paligoy-ligoy pa.
“Ang sinabi sa akin ni Boss Aga, ‘You have to save your finances dahil may pamilya ka and, also, you have to be professional still.
“Kahit gaano ka kagaling or hindi magaling, basta magtrabaho nang tama, wala kang tinatapakang iba ay maganda na yung ginagawa mo. He’s absolutely right. Everything I do, I do it for my family,” sey ni Billy.
Samantala, nagkakaisa naman ang lahat ng judge na mami-miss nila ang isa’t isa dahil parang pamilya na rin ang turingan nila kapag magkakasama.
At siyempre, ang mga mala-concert performances ng mga celebrity contestant.
Samantala, isa-isa ring nagbahagi ang mga judge detective ng “Masked Singer Pilipinas” ng kanilang New Year’s resolution para sa pagsalubong sa 2021.
Sey ni Aga, “I’m so looking forward to losing 40 pounds and mas payat pa ako kina Matteo at Billy.”
Chika naman ng hubby ni Sarah Geronimo na si Matteo, “My resolution for next year, siyempre this is my first year as a husband, so my goals, my dream is, it may sound as very, very weird, but I wanna be like a Kuya Aga.
“Like, how he handles his family, how he handles his friends and everything. He’s an example talaga. A lot of people look up to him. He really does things very nicely and very well,” dagdag pa ni Matteo.
Promise naman ni Kim, mag-iipon siya nang bonggang-bongga sa susunod na taon at ita-try din niyang maglaan ng mas mahabang panahon para makasama ang pamilya.
Sey naman ni Cristine, tuloy ang gagawin niyang pagse-save para sa future ng anak na si Amarah.
Nagsimulang umere sa TV5 ang Pinoy version ng nasabing musical-mystery competition noong Oct. 24, 2020 at matatapos na nga sa Sabado with a super pasabog finale kasama ang mga natitirang celebrity masked singers.
Kaya tutukan ang magaganap na Final Battle ng “Masked Singer Pilipinas” ngayong Satutday, 6:45 p.m. sa TV5.